Nakangiti akong lumabas ng canteen, nahagip pa ng mga mata ko ang mga mapangmatang tingin ng mga estudyante. Yumuko ako ng bahagya at tahimik na umakyat ng rooftop. 5 pm na at wala ng gaanong tao sa building nato, lahat nasa kabilang building dahil may orientation ang senior students. Well, senior din ako pero hindi kasama ang section namin. Paakyat nako nang rooftop nang may naramdaman akong tao sa likod. Tumigil ako sa paglakad at tumingin sa likod. Wala namang tao. Pinagpatuloy ako ng paglalakad at napangiti ako nang tiningnan ko ang tubig na ibibigay ko sa kanya. Tubig with suka? Natawa ako sa sarili kong idea. Nakaramdam ulit ako ng taong dumaan kaya mabilis kong nilingon iyon. Hindi ko alam kung bakit ang weird ng pakiramdam. Nagpatuloy ako sa paglakad at isang floor nalang paaky