Ambango. Ang lambot. Ang sarap. Teka--what the hell? Saan nanggaling iyon? Unti-unti akong dumilat at nanlaki ang mata ko nang narealize kong nakaunan ako sa braso niya at nakapulupot ang isa niyang kamay sa bewang ko. Hindi ako makagalaw at paulit-ulit akong lumunok. Sinilip ko kung gising siya. Nang nakita kong nakapikit ito ay dahan dahan kong tinanggal ang kamay nito sa bewang ko at tatayo na nang hinila niya ako pahiga. Napasinghap ako sa ginawa niya, inis ko siyang nilingon. Pikit parin ang mata nito at umungol pa na parang tulog talaga. Tulog nga ba talaga ang isang to? Sisigaw ba akong may sunog? Tutulak ko ba siya? Ugh! Hindi ko alam. Kalebel ko ang dibdib niya at kung titingnan para siyang nakayakap sakin. Malalim ang paghinga niya kaya tiningala ko siya at ito ang pangal