Nang umakyat ako sa kwarto niya ay nakita ko siyang nakahubad, pero hindi iyon ang nakatawag ng atensyon ko. Yun ay ang tattoo niya sa likod. Hindi ko iyon napansin nang nilinis ko ang sugat niya nang masaksak siya. May bandage parin ang bandang tagiliran niya dahil nga sa saksak. Ang tattoo ay isang pakpak na itim at may bulaklak ito sa gitna. Anong ibig sabihin ng tatto nayon? Natauhan ako ng lumingon siya sa direksyon ko. Agad kong tinaas ang tubig at pumasok. "You're drooling. That's bad." sinamaan ko siya ng tingin at inilapag ang tubig sa gilid ng table niya. "Hindi ah. Tinitingnan ko y-yung tattoo mo." bahagya siyang napatigil doon at agad din namang sumagot. "Why? You like it?" "Hindi ko nga maintindihan eh." kinuha niya ang tubig at dumiretso sa dulo ng kwarto niya. Pakira