CHAPTER 23

3386 Words

Nangunot ang noo ko sa sumunod na araw habang naglalakad ako sa hallway ng building. Hindi ko alam kung dahil ba kasama ko si Cleon sa tabi ko kaya hindi ako matingnan nang maayos ng mga nadaraanan kong estudyante o mayroon talagang mali sa kanila. Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at inayos ang suot kong scarf habang hinahanap ang room ko. Hindi pa rin gaanong maayos ang pakiramdam ko. Nakakakilos man ako nang normal ay naroon pa rin ang init na nananalaytay sa aking katawan. Hindi rin nakatutulong na kasama ko ngayon ang alpha, pakiramdam ko anumang oras ay susunggaban ko siya ng halik. Muli kong naalala ang huli naming pag-uusap. Itinanggi niya ang paratang ko sa kaniya. Bakas man ang kalituhan sa kaniyang mukha kung bakit ko iyon natanong ay sigurado naman siya sa kaniyang sagot.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD