CHAPTER 19

1249 Words
I woke up feeling weak and nauseous. Marahan akong nagmulat at agad na bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Senyorito. Nakaupo siya sa tabi ko. Nakitaan ko rin ng takot ang kaniyang mga mata na hindi ko alam kung para saan. "Are you okay? How do you feel?" he asked softly. Doon pa lang bumalik ang mga alaala ko. Kahit nanghihina ay mabilis akong napalayo sa kaniya dahilan para mapapikit ako nang maramdaman ko ang pagkirot ng aking leeg at balikat. Nanigas ako sa aking pagkakahiga at nanlalaki ang mga mata na napatitig pabalik sa kaniya. "A-Ano'ng ginawa mo sa akin?" utal kong tanong. I saw him swallowed hard. Nag-igting din ang panga niya bago napaiwas ng tingin. Kung kanina ay ako ang lumayo sa kaniya, ngayon naman ay siya ang kusang umatras. "I'm sorry . . ." he whispered. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng bahagyang pagsisisi at naguguluhan ako dahil doon. Wala akong dapat ipagsisi kaya bakit ko iyon naramdaman? "I know you're scared. I can feel it," imik niyang muli. Napakunot ang noo ko. Oo, takot ako ngayon at marahil halata iyon sa mukha ko kaya naman aware siya. Inilibot ko ang aking paningin sa silid, narito kami sa kwarto niya. Walang ibang tao bukod sa aming dalawa. "I-I . . . didn't mean to hurt you." Naroon man ang pagiging seryoso ng kaniyang mukha ay hindi ko naiwasang maramdaman ang lungkot niya. "Ano'ng nangyari?" pag-uulit ko sa tanong ko. His hand fisted slowly as he stared at me. "I marked you last night." Para akong nabingi sa narinig ko. Wala sa sarili akong napahawak sa aking leeg at naramdaman ang maliit na benda roon. Nalaglag ang panga ko at ilang beses akong napakurap. Pilit kong prinoseso ang lahat, pero hindi talaga iyon matanggap ng utak at dibdib ko. "A-Ano na ang mangyayari sa akin ngayon?" kinakabahan kong tanong. Napaiwas siya ng tingin. His jaw set once again before he heaved a deep breath. Marahan siyang tumayo at walang emosyon na namulsa. "Just reject me, nothing will happen," he stated. Hindi ako nakaimik nang pabalyang bumukas ang pinto. Kasunod niyon ang pagpasok ni Miro na may malalaking hakbang at seryosong nilapitan si Senyorito. Naalarma ako nang bigla niya itong kwelyuhan. "Nothing will happen?" hindi makapaniwala niyang sabi. "Can you hear what you're saying?" gigil na patuloy ni Miro sa kaniyang kapatid. Nanghihina man ay awtomatiko akong napabangon. Naguguluhan ako kung ano'ng nangyayari. Hindi ako sanay na makita si Miro na may galit kay Senyorito kahit pa nakikita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Stay out of this, Miro," Cleon commanded as he looked at him coldly. Napatiim-bagang si Miro at patulak na binitiwan ang kwelyo ni Senyorito. "You'll die! You know that!" he yelled with his bloodshot eyes. Little by little I understood what they were talking about. Sandali akong tiningnan ni Miro at itinuro. Kita ko ang frustrasyon sa kaniyang mukha nang ibinalik ang paningin kay Senyorito na ngayon ay nanatili pa ring malamig ang emosyon. "She's been marked! A bond has formed between the two of you!" pagpunto ni Miro. "Get out, Beta," Cleon commanded again. Napahilamos si Miro sa kaniyang mukha kasabay ang sunod-sunod na pagmumura. "You are unstable, another rejection will make it worst, Alpha," pilit niyang paliwanag. Cleon's jaw clenched for the nth time. "Does forcing her to accept me make it even better?" Nakaramdam ako ng sakit sa tono niya at hindi ko alam kung guniguni ko lang ba iyon. Hindi naman agad nakasagot si Miro. Mayamaya pa at tumayo siya nang maayos saka seryosong tiningnan si Cleon. "Tell her everything and let her decide. Huwag mo siyang bigyan ng iisang option," he stated. Pagak namang natawa si Senyorito. "She's already scared, there's no need for that." "Can you two stop?" hindi ko na napigilang sumingit dahilan para mabaling ang atensyon nila sa akin. Itinuon ko ang aking paningin kay Cleon. "May punto ang kapatid mo, ako ang biktima rito kaya ako ang dapat pumili kung anong desisyon ang gagawin ko. Bukod pa roon, may karapatan akong malaman ang lahat." "Whether you know it or not, you'll choose that option in the end," he said. "Gaano ka nakasisigurado?" hamon ko. He gave me a small smile, but I felt pain on it. "Why? Will you choose to mate with me instead?" Natulos ako sa aking pwesto. Paulit-ulit kong narinig ang sinabi niya sa utak ko. Iniiwas niya ang paningin sa akin nang makita ang reaksyon ko at muling tumawa ng pagak. "Go on, tell her all about the marking," sabi niya kay Miro at walang-pasabi kaming iniwan sa kwarto. Silence enveloped the room after Cleon left. Ramdam ko ang pakikiramdam ni Miro sa akin. Naghihintay na tanungin ko siya. "Spill it," tipid kong ani at sumandal sa headboard ng kama dahil sa panghihina. Pakiramdam ko ay umiikot ang mundo ko ngayon. Pumipintig ang aking ulo. Nakararamdam din ako ng bahagyang pag-iinit ng katawan. "As you know, you've been marked by the Alpha," he started. Tipid ko lang naman siyang tinanguan. "At may dalawa akong option, tama ba?" "Yes," sagot niya. "Iyon ay ang i-reject siya or makipag-mate sa kaniya, gano'n ba?" Miro's face became more serious, as if we were now going to the crucial part. "I know this doesn't sound good for you, and you might think that I'm forcing you, but if you reject him this time, I don't think he can make it." Tumango-tango naman ako dahil naiintindihan ko ang punto niya. "If you choose to accept him, your world will change forever. You will officially become his mate, and our pack's Luna," he explained the second option. Napabuntonghininga naman ako dahil parehong mabigat iyon. Sa madaling salita, kailangan kong pumili kung sino ang magsasakripisyo sa aming dalawa. Oo, takot ako ngayon kay Senyorito dahil sa ginawa niya sa akin. Aaminin ko rin na naiinis ako, pero . . . hindi ko rin gusto na mapahamak siya. Hindi 'ata iyon kakayanin ng konsensya ko. Sa kabilang banda, hindi ko rin naman kayang hayaan ang sarili ko na makulong basta sa mundo nila. "Hindi ba pwedeng wala akong piliin sa dalawa?" tanong ko. Hindi niya agad ako binigyan ng sagot. Iniiwas niya ang kaniyang paningin sa akin at mayamaya pa ay humigit ng malalim na hininga. Ramdam kong pati siya ay nahihirapan sa sitwasyon namin ng kapatid niya. "Unfortunately, you can't. You will die if you don't choose between the two. His mark will slowly poison your body." Pakiramdam ko ay bumigay ang katawan ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong kasalanan ang nagawa ko at binibigyan ako ng ganitong pagsubok ngayon. "If you die, he'll also be affected since there was already a bond between the two of you," he informed. Nanatili akong hindi makaimik pagkatapos ng mga narinig ko. Nakakatawang isipin na nadagdagan man ang pagpipilian ko ay wala pa ring madali sa lahat ng iyon. Pare-pareho pa rin kaming maaapektuhan. "Sabihin mong nanaginip lang ako ngayon," hindi makapaniwalang sambit ko. Malungkot na ngumiti si Miro. "I'm sorry, Faraiah; it seems like the inner wolf of the Alpha sensed that my brother had an attraction to you, and that's why all this happened since he's obsessed with finding a mate." Napapikit na lang akong muli at napahilot sa aking sentido. "Hindi ba pwedeng mag-adjust muna ako sa lahat ng ito?" My breath hitched when Miro dropped another piece of news, "Sadly, you only have until the full moon to make a decision."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD