Chapter Seven REBECCA KANINA ay natatawa ko pang iniwan si Paeng habang namimilipit, ngayon naman ay nate-tense ako mula sa kanyang biglang pagyakap sa akin mula sa aking likuran habang ang braso niya ay mahigpit na nakagapos sa akin. Dahilan iyon kung bakit hindi ako makagalaw. Lalo na't kasalukuyan akong nagpiprito ng hotdog. Nagsitayuan ang balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit na boses niyang tumatama sa aking tenga. Naramdaman ko rin ang pag-amoy niya sa aking buhok. Nakailang piglas na rin ako ngunit hindi talaga effective. Pati na rin ang pagsusungit ko sa kanya. Halos matawa pa ako sa sariling sinabi noong binitiwan niya ako dahil sa salitang "pogi" na nabanggit ko. Pinagpatuloy ko ang piniprito ko habang siya naman ay nanonood sa akin. Medyo nailang pa ako mula sa p