Chapter Thirty One PAENG KANINA ko pa napapansin ang pagiging tahimik ni Rebecca. Pansin ko rin na medyo nangitim ang gilid ng kanyang mga mata. Ngunit nangingibabaw pa rin ang kanyang natural na ganda. Tinukso ko pa siya kanina nang makitang nauna siyang gumising kaysa sa akin. Sabay kaming bumangon at lumabas sa kwarto habang nakahawak ako sa kanyang Ngayon ay sabay-sabay kaming kumakain ng almusal habang panay naman ang panunukso sa amin ni mama. "Ayaw mo ba sa tucino at hotdog mahal? Gustong-gusto mo ito di ba?" tanong ko nang mapansing halos kakaunti lamang ang kanyang sinusubo. Sinubukan ko pang magbiro ngunit ang inaasahan kong "ang manyak mo mahal" na lagi niyang sinasabi sa akin tuwing nagiging pilyo ako ay hindi ko narinig. Parang hindi niya ako narinig sa pagsasalita ka