Chapter Twelve REBECCA BANDANG alas diyes na nang nakarating si Henry dito sa site. Kaya naman pinagbuksan ko siya ng pinto saka siya iginiya sa aking opisina. Inayos ko muna ang mga reports sa gilid ng mesa ko saka siya hinarap. "So, kumusta ka na?" saad niya. "I'm fine, architect," "Tama na muna ang pagiging pormal," natatawang aniya. Ang laki ng pinagbago niya gayong wala pang isang taon simula noong nakasama ko siya sa opisina kasama ang mga batang engineers at architect. Ang dating Henry na nakasuot ng malaking salamin ay wala na. Bagkus, nagmukha siyang lalaking lalaki ngayon ngunit ang ayaw ko ay nagmukha naman siyang presko. "Let's begin with our work. Sayang ang oras," wika ko. Nilabas niya ang isang sketch pad mula sa kanyang bag saka iyon nilapag sa mesa ko. Tumayo