Chapter Twenty Four PAENG "I-I'M sorry," bigla na lang siyang umiyak. "Bakit mo naman kasi kinuha ang hindi sa'yo Za? Alam mo naman sigurong masama ang pagnanakaw 'di ba?" Maya-maya pa ay tinanggal niya ang kwintas sa kanyang leeg. Nakailang tanggi pa siya bago umamin. Wala na rin siyang ibang maidadahilan pa dahil nang buksan ko ang hugis pusong pendant ng kwintas ay nakita ko ang nakaukit na pangalan ng babaeng mahal ko. Nilagay ko sa wallet ko ang kwintas sa takot na mawala muli ito. Hinarap ko si Zaira. "Inuulit ko, bakit mo ginawa iyon Za?" "Eh kasi… simula noong dumating siya ay hindi mo na ako pinapansin. Etchapwera na ako sa buhay mo. Ibig sabihin ay isa rin siyang magnanakaw! Ninakaw ka niya sa akin," Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya ngayon. "Hindi ako ninanakaw