Chapter Twenty Nine REBECCA "ENGINEER, kanina pa ako tinatanong ng sekretarya ng mga boss. May meeting kasi kayo kanina kaso hindi ka dumating engineer. Ngayon ay tinatanong nila kung bakit hindi ka nakadalo," ani Leila "Ahhh, ehh," hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sekretarya ko. "I'm busy. Let's talk later," saad ko na lang. "Pero engin-" hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita. Nakikita ko kasi mula sa peripheral vision ko ang paninitig ni Paeng sa akin. "Tsk," Maya-maya pa ay nakatanggap ako ng sunod-sunod na mensahe galing kay Brix ang boy bestfriend ko ngunit hindi kami magkasama sa trabaho. Boy bestfriend na bigla na lang naging darna. Medyo natawa ako nang mabasa ang ilan sa mga mensahe niya. Beautiful Brix: Magreply ka naman day! Peymus ka ghorl hah? Hah?