GIO { DAY FIVE } Tinakpan ko agad ng unan ang mukha ko nang marinig ko ang pagkatok niya. Damn! It's too early! Tinatamad pa akong tumayo. Ang sarap pa nang pagkakahiga ko sa kama. Istorbo! Isang tao lang naman ang kasama ko kaya malamang siya ang nasa labas ng pinto. Ano na naman ba ang kailangan ng babaeng 'to? "Hey, can we talk?" tanong niya mula sa labas. "Gio, ano ba! We need to talk." See, this girl is really a brat. She doesn't even say 'please' when in fact, she's the one who needs me. She just demands. Angrily at that. "What?" I groaned. Ayoko pa talagang bumangon mula sa kama ko. Ni hindi ko nga alam kung anong nangyari at gusto niya akong makausap. Tatlong araw siyang nagkulong na parang baliw sa room niya tapos ngayon pupunta rito at mambubulabog ng taong tulog?! "Lumab