MIKA { DAY THIRTEEN } Pagkatapos kong makipagtalo sa sarili ko buong gabi, naisip ko kung gaano ka-immature ang ginawa ko. Hindi dapat ako umiwas. I am an eighteen-year-old lady, I am capable of sorting out my emotions and I should face Gio about this. Tumingin ako sa salamin at huminga nang malalim. Stressed na stressed ang hitsura ko at ang lalim ng eyebags ko dahil hindi maayos ang naging tulog ko. I better take a nice bath before I come down and face him. "You can do this," sabi ko sa sarili o pagkatapos kong ibaba ang hairbrush na hawak ko. Tapos na akong maligo at magbihis, I don't look horrrible now. Okay, maybe just a little. But I should face him. Huminga ako nang malalim bago ako tuluyang lumabas sa room ko. Sigurado akong nasa baba na si Gio at nagluluto. Ganito ang routi