MIKA Nasa loob ako ng van ngayon dahil babalik na kami sa Manila. Si Kuya Johan ang mag-da-drive at nasa shotgun seat si Kuya Nikko para palitan siya kapag pagod na. Hindi nga lang kami makaalis dahil kanina pa nag-a-away sina Kuya Shaun at Gio. "Can I sit here?" tanong ko kay Mika habang nakaturo sa espasyo sa tabi niya. "That's my seat and my sister," Kuya Shaun warned. "Sa likod ka." Nagtulakan sila para umupo sa vacant seat sa tabi ko at walang may gustong magbigay. Si Kuya Shaun ang nauna sa tabi ko at umupo naman si Gio sa pagitan ng mga hita niya. They're being silly! "Uupo ka sa likod o sa tabi ni Mika pero hindi ka namin papayagan manligaw?" banta ni Kuya Shaun. "Sabi ko nga sa likod na lang ako uupo. Ikaw naman kasi, ang kulit mo. Pilit ka nang pilit!" sabi naman ni Gio bag