MIKA "What's keeping princess busy?" tanong ni Daddy nang makita niya ako sa living area na abala sa paghahanda. Umuwi rin agad siya from Zambales noong nalaman niya na nandito na si Ate Cheska. Next week naman, uuwi rito ang parents niya para pag-usapan ang engagement party. "You're up early, Daddy. Do you want me to get you a cup of coffee? Hindi pa sila tapos mag-prepare ng breakfast, eh..." I volunteered after kissing his right cheek. Umiling naman si Daddy at naupo sa sofa para panuorin ako sa ginagawa ko. "Hindi na, Anak. Don't bother. Just continue what you're doing," sabi niya pa pero ngumuso lang ako. "Ehhh..." mahaba ko pang sabi. "Bakit? Is there a problem?" tanong niya. "Nandito ka kasi, Daddy. Nahihiya ako. Alis ka muna. Please?" nakangiting pakiusap ko sa kanya at tum