MIKA No, no... this can't be happening. Hindi na dapat siya bumalik. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan unti-unti ko na siyang nakakalimutan? I'm okay now. I don't him him to mess things up for me again. "Kairi..." tawag niya sa akin pero napaatras na lang ako at napailing. "Leave!" sigaw ko pero tumingin lang siya sa akin. "I said leave!" Ayaw ko siyang makausap. Hindi ko siya kailangan at wala akong balak na tanggapin siya ulit sa buhay ko. I won't let him hurt me anymore. "Kairi, please..." hinawakan niya pa ang pulsuhan ko nang sinubukan ko siyang talikuran. "Ma'am, tatawagin ko na ang security," rinig kong sabi ni Mang Ramon pero umiling ako. "Manong, pasok muna po kayo sa bahay. Give me a few minutes. I'll handle this," sabi ko naman. Muli niya kaming nilingon at tu