MIKA Masakit ang ulo ko nang bumangon ako sa kama. I was expecting this. It happens all the time. Sanay na ako. What I'm not used to is the fact that someone new is taking care of me now. Not that it's a bad thing. Pero ayokong masanay sa kanya. Dahil baka hanap-hanapin ko lang ang mga ginagawa niya para sa akin. Inilibot ko ang tingin sa kwarto ko. Nang huminto ang tingin ko sa orasan, nakita ko na gabi na pala. Lumipas ang buong araw habang tulog ako. Nakita ko pa ang baso at balat ng tablet sa tabi ng orasan. Bigla tuloy akong napahawak sa labi ko. Naalala ko na naman ang panaginip ko kanina. Hinalikan daw ako ni Gio. It's weird. Medyo masama pa ang pakiramdam ko pero kaya ko namang kumilos kaya lumabas na ako sa kwarto. I need to thank Gio for taking good care of me. Nang nasa li