NIKKO "Hanggang d'yan ba naman magkasama pa rin kayo?" ngiti ko kahit na alam kong may bahid 'yon ng lungkot. "Tatlong araw na kayong tulog. What about your surprise for each other? What about your plans? Your promise to be our best man and bridesmaid?" bulong ko habang nakasilip ako sa glass window ng ICU. Masakit na makita silang dalawa sa ganitong paraan. Akala namin okay na ang lahat pero nangyari pa ang hindi namin inaasahan. And nobody wanted this to happen, nobody was expecting that it will end like this. At walang ibang dapat sisihin dito kung hindi kaming tatlo nina Shaun at Kuya Johan. Kami dapat ang nasa kalagayan nila. They shouldn't suffer like this... "Kristoffer p-please, tama na. Tigilan niyo na si Gio!" rinig namin ang pagmamakaawa ni Mika nang dumating kami sa lumang