MIKA
{ DAY ONE }
"AHHHH!!!" sigaw ko nang matauhan ako na wala ako sa sariling kwarto ko. "Where am I?! What am I doing here?!"
Hindi ako pwedeng magkamali. Malinaw sa memory ko na sa room ako natulog kagabi. Imposible namang nag-sleepwalk ako at nakarating sa ibang bahay! I don't do that.
Weird thoughts are starting to flood my brain. Paano kung in-abduct ako habang natutulog ako? But how did that happen? How was someone able to go through our security without being detected?
Hindi naman kaya joke lang 'to? But this is such a sick April Fool's joke! I'm sure my brothers won't do this to me. So, how? How did this happen and why am I in another house?!
Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto. The room is big and girly. Everything was painted in pink and even my sheets are pink. It seems like this room was really designed for me.
Tumayo ako mula sa kama para buksan ang cabinet na nasa left side. Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ko na nando'n sa loob halos lahat ng gamit ko. My clothes, undies, shoes... except my phone and laptop.
Seriously, what is happening?! Why am I here and why are my things here?! Am I kidn*pped? But if I am, how the hell did the kidnapper managed to get almost all of my stuff? Magnanakaw rin ba siya?
"AHHHHHHHH!!!" napasigaw na lang ulit ako dahil sa frustration.
Suminghap ako at agad na napatakip sa bibig ko nang may padabog na nagbukas ng pinto. s**t! Someone's here. May kasama ako!
Oh my god, am I going to die?!
"f**k! Ang aga-aga! Is it really in your blood to irritate someone who's trying to get some sleep?!"
Halatang iritado siya sa ginawa ko. Ang kapal! Siya pa ang naiirita?! Siya nga 'tong basta-basta na lang siya pumasok sa room ko! Sisigaw sana ulit ako pero napansin kong nakasuot lang siya ng boxers. Oh my god!
"Gosh—" sabi ko naman at natigilan ako nang ngumisi siya. "What?"
"Are you checking me out?" tanong niya pa at napatanga na lang ako. What a cocky guy! Sino ba 'to?
"Excuse me?" mataray kong sabi at tinaasan ko pa siya ng kilay.
Magsasalita pa sana siya pero bigla akong napayakap sa dibdib ko at napasigaw nang mag-sink-in sa akin na baka may kinalaman siya sa nangyayari.
"KIDNAPPER! p*****t! STALKER!" sigaw ko.
Pinagbabato ko agad siya ng mga unan at ng iba pang bagay na abot ko. Kulang na lang ibato ko pati ang lampshade sa kanya dahil tinatawanan niya lang ako.
"Really? Huh! Baka sinusuwerte ka!" sabi niya pa habang umiiwas siya sa mga ibinabato ko sa kanya. "Don't worry, wala akong gagawing masama sa'yo kahit na magmakaawa ka pa," duktong niya kaya lalo akong nainis. Ang yabang talaga!
Huminto ako sa ginagawa ko nang mapagod na ako. Napaisip na naman ako. Paano kung isa pala siyang professional kidnapper at nakaya niya ang buong security sa bahay namin pati sina Kuya Johan?! He's dangerous! Dapat akong mag-ingat.
Muli kong inilibot ang mga mata ko sa buong paligid ng kwarto. s**t! Bakit walang bintana?! Saan ako lalabas dito?
I think I have a bright idea. Or so I thought...
Nagmamadali akong tumakbo pababa ng hagdan nang mapansin kong wala na sa akin ang atensyon niya. I'm going to escape!
Nasa'n ba kasi sina Kuya Johan? It's impossible that they're doing nothing about this! May GPS ang phone ko I'm sure they'll fine me—s**t! Wala pala! Wala rito ang phone ko. Hindi nila ako mate-trace!
"AHHH! TULUNGAN NIYO AKO!" sigaw ko. I don't know if someone will hear me but I hope someone does. Please...
"Ouch!" sigaw ko pa nang mahulog ako sa hagdan.
Hindi ko napansin na may isa pa palang baitang kaya nawalan ako ng balanse. Napangiwi ako habang nakahawak sa tuhod ko. Wala namang sugat pero namumula na. It will surely bruise!
Sinamaan ko ng tingin ang lalaki na tumatawa pa. He is enjoying my misery! What an ass!
"Lampa," iling niya habang nakasandal siya sa railings.
"Tumayo ka na nga. Baka magkaro'n ka pa ng pasa tapos isipin ng mga kuya mong minamaltrato kita," sabi niya pa.
Lumapit siya sa akin at inalok niya ang kamay niya para tulungan ako sa pagtayo pero agad kong tinabig 'yon.
"Kaya kong tumayo mag-isa. I don't need your help," sabi ko pa. Pinagpag ko ang pajama na kagabi ko pa suot. Natigilan ako nung mapaisip ako sa sinabi niya. "T-teka! Paano mo nalaman na may mga kuya ako? Are you really a stalker?!"
Humalakhak na naman siya. What is wrong with this guy?! Lahat na lang ba ng gagawin at sasabihin ko, pagtatawanan niya? Ugh!
"Do not flatter yourself," sabi niya pa. "I'm not interested. Won't ever be."
Ang yabang talaga! And he is seriously starting to get on my nerves.
"Answer me! Paano mo nalaman na may mga kuya ako?"
Naupo siya sa sofa at prenteng-prenteng sumandal do'n kahit nakasuot pa rin siya ng boxers. Hindi man lang siya magsuot ng shirt!
"Your brothers are my friends. Okay na? Pwede na ba akong matulog ulit?"
Hindi ako makapagconcentrate sa sinasabi niya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa boxers niyang Batman. It's too distracting!
"N-no, I... s**t. A-ano.. I am not yet satisfied," sabi ko naman kahit utal na ako. Damn! "Can you please wear a shirt?"
"What? May mali ba sa boxers ko? Hindi ba dapat sanay ka na? You are surrounded by guys."
"They're my brothers! You're a stranger."
"So? They're still guys, right?" sabi nita pa bago siya tumayo. "We'll talk later. Let me sleep, puyat ako."
"No. Come back here!" pigil ko naman nang aakyat na siya sa hagdan. "Akala mo ba mapapaniwala mo ako ng ganito kadali? No way!"
Ginulo niya ang buhok niya at muli siyang naupo sa sofa.
"Let me get straight to the point para matahimik ka na, miss. Una sa lahat, hindi ako kidnapper, p*****t, stalker o kung ano man ang tumatakbo sa isip mo ngayon," giit niya. "Second, you are here because I need to hide you. You are not safe outside according to you brothers. I would explain everything to you but I'm not in the right place to do that."
"Bakit ako kailangang itago? Why is it not safe? Is this some kind of a sick joke? Because it's not funny!"
Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya. I think he's only making this up!
"This is not funny because this is not a joke. Bahala ka kung anong gusto mong paniwalaan," iling niya. "Basta ako, I'm just doing what I promised. Ipinagkatiwala ka sa akin nina Johan, Nikko at Shaun kaya hangga't nandito ka at magkasama tayo, responsibilidad kita. Malinaw ba 'yon sayo, Miss Martinez?"
Tumingin siya sa akin ng seryoso. Para bang nabasa niya ang iniisip ko kaya bago pa ako makapagsalita, inunahan na niya ako.
"Sa tingin mo ba magagawa kong mag-isa ang lahat ng bagay na 'to? Of course not. That's not possible. It's hard to infiltrate the security in your mansion," paliwang niya. "Pero nagawa ko. Nailabas kita. Dahil sa mga kuya mo."
"Hindi kita pipilitin na magsabi ng totoo but this doesn't mean that it's okay with me to be here," sagot ko. "Tatakas ako. I'll find my way out."
"Bahala ka, alright?"
Pinagmasdan ko siya habang napapapikit-pikit na siya sa sofa. He looks really sleepy. And he looks harmless, too. Mukhang hindi naman niya ako sasaktan pero mahirap magtiwala.
For now, hahayaan ko muna siya. May naisip na naman akong plano. I just need the perfect timing to do it.
"Oh, natulala ka na?" he even snapped his fingers in front of my face. Ang bilis naman niya. Kanina nasa sofa pa siya, ah. Ngayon, nakatayo na sa harap ko.
"May iniisip lang ako," irap ko bago ko siya muling binalingan. "Ano nga palang pangalan mo?"
"Gio. Gianne Olivier Diaz," mabilis niyang sagot.
"Oh, okay." I will remember his name. So, I can tell the police first thing after I escape here.
"If there are no more questions, can a guy finally get his sleep? Antok na antok pa ako," sabi niya pa. "I'm sure you can take care of yourself. Iwan na muna kita rito."
Humikab pa siya habang umaakyat sa hagdan. Parang wala siyang pakialam nang nilagpasan niya ako. Parang wala siyang pakialam na nandito ako.
Fine! Hindi nga siguro siya p*****t o stalker. But here's one thing that I won't take back...
He's a kidnapper. A denial one at that!