Kinabukasan ay maagang kinausap ni Paloma sina Daniella at Lilian. Kagabi kasi ay nabulabog ang kanyang pagtulog dahil sa sobrang ingay ng dalawa. Napilitan tuloy siyang bumaba upang i-check kung ano ang meron at bakit sobrang ingay nina Daniella at Lilian. “Para kayong mga bata!” Sinigawan ni Paloma ang dalawang babae na kung hindi pa lumagpas sa kalendaryo ang mga edad ay hindi magiging pasaway ng husto. “Laro lang naman ‘yon, Ma!” Sumagot si Lilian. “Gusto mo bang mabaliw na lang ako sa kalungkutan?” “Tigil-tigilan mo ako, Lilian! Ano’ng mabaliw sa kalungkutan ang sinasabi mo? Aayusin mo ang buhay mo o mapipilitan akong ipadala ka sa bahay ng ama mo upang magtino ka na!” “Ma, hindi na kami bata upang pagalitan mo kami ng ganito. Gusto lang nami