Ilang beses na nag-replay sa kanyang utak ang sinabi ni Philip Madrigal na ito raw ang kanyang ama. Hindi siya nakapagsalita at nagpalipat-lipat lang ang kanyang mga mata kina Paloma at Philip. Totoo kaya ang kanyang narinig o bunga lamang ng kanyang imahinasyon? “Siya ang ama mo, Lil.” Pahayag ni Paloma makalipas ang ilang sandali. “Nagkamali ako anak, akala ko kasi ay si Alexander ang anak niya.” Dagdag pa ni Paloma. Habang pinapakinggan niya ang paliwanag ng kanyang ina, hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mas lalo pang ma-guilty sa kanyang ginawa. Muntikan ng mawalan ng ina si Vanessa dahil lang sa isang maling akala. “Pero Ma, hindi mo ba napansin na mas kamukha niya si Marcus?” Tinanong niya ang ina. “Nagulat kasi ako nang makita si