CHAPTER 8

1170 Words
Nang dumating si Marcus sa beach, nabunutan ng tinik sa lalamunan si Daniella dahil nakasuot pa rin ang lalaki ng isang ninja costume kung saan mata lang nito ang nakikita. Pero kahit na walang nakakilala kay Marcus, kilala niya ito dahil niya kayang kalimutan ang mapag-akit nitong mga mata na kulay asul. “Mabuti na lang at sumunod siya sa rules,” sabi ni Lilian nang makita ang paparating na lalaki ngunit kumulo kaagad ang kanyang dugo para sa kasamahan ni Marcus. Manloloko na, sinungaling pa! Ilang taon siyang galit kay Alexis Ortega kasi iyon ang ginamit na pangalan ng lalaki, tapos malalaman lang niya na Alexander pala ang first name nito. Nakakabadtrip lang at kung hindi talaga kasalanan ang pumatay ng tao, kanina pa sana bumagsak sa lupa ang katawan nito. “Lil, what’s wrong?” Napansin ni Daniella na medyo galit ang babae. Nanlilisik kasi ang mga mata nito at tila ba may gustong papatayin. “Just don’t mind me,” sabi ni Lilian dahil ayaw niyang ipagtapat kay Daniella ang lahat. “Kanino ka ba galit? Sa akin?” Nag-usisa si Daniella dahil hindi niya gustong bumalik sila sa dati na parang aso’t pusa. “Of course not!” Giit ni Lilian. Gusto pa sana niyang magpaliwanag ngunit dumating na sina Marcus at Alexander. Ang kakapal talaga ng mukha kasi hindi man lang nagpaalam ang mga ito na maki-share ng table. Basta na lang naupo sa kanyang tabi si Alexander, at si Marcus naman ay tumabi kay Daniella. Napatiimbagang na lamang siya ngunit hindi siya pwedeng magreklamo kasi hindi tanga si Daniella. Malalaman nito kaagad na may namagitan sa kanila ni Alexander kung sakali. "Napaka-presko naman ng kasama mo," bumulong si Daniella kay Marcus upang hindi sila marinig ni Mr. Ortega. “Kukuha lang ako ng food,” nagpaalam si Lilian at tumayo, pero ganun din ang ginawa ni Alexander kaya hindi niya sinadyang tingnan ito ng masama. “Ako rin,” sabi ni Alexander at kaagad na sinundan ang babaeng parang galit sa kanya kahit wala siyang kasalanan. Nang maiwan silang dalawa ni Marcus sa mesa, muli niyang kinausap ang lalaki tungkol kay Mr. Ortega. “Napaka-babaero ng kasama mo ha,” sabi niya. "I agree, but just let him be. I'm sure the woman is single. Wala sa katawan nito na mayroon ng anak,” sumagot si Marcus. Hindi alam ni Daniella kung dapat ba siyang magalit sa sinabi ni Marcus. How about her? Mukha ba siyang may anak? At kung ganun nga, ano naman ngayon? She's happy to have Ariana Jade in her life. "Nagpaparinig ka ba sa akin?" tinanong niya ang lalaki kasi para kasing may naipintas ito sa kanyang katawan. "Ikaw ang may sabi niyan. By the way, it's fine weather for swimming," sabi ni Marcus at kaagad na tumayo upang kumuha ng pagkain ngunit pinigilan siya ni Daniella. "Ano na naman?" "Hindi ka pwedeng mag-swimming,” paalala ni Daniella kay Marcus. "And why not?" Nagtanong si Marcus. "I mean, hindi ka pwedeng magpalit ng damit ngayon. Remember, you should always wear your ninja costume!" She reminded him. "I'm sure that the party manager will understand. Saan ka ba nakakita ng nag-swimming na nakadamit ng ganito?" tinanong niya ang babae. "Ah basta! Subukan mo lang na hubarin ang costume na iyan, at malilintikan ka talaga sa akin!" Binalaan niya ang lalaki. Actually, there's a chance that nobody would remember his face because he only stayed with them for a few days. Pero, paano kung makilala ito ni Paloma? Mahirap na. She couldn’t take the risk!  "Why don't you focus on your daughter?"Naiinis na bwelta ni Marcus sa inasal ni Daniella. Inalis niya ang nakahawak nitong kamay sa kanyang braso. He needed food and Daniella stopped him from going to the buffet table. Daniella picked-up her daughter and followed Marcus. Napagtanto niya na mahirap palang magsinungaling dahil darating talaga ang araw na mag-boomerang ito sa taong sinungaling, kagaya niya. Kapag hindi siya mag-ingat, mawawalan ng saysay ang ginawa niyang paglupasay sa kaiiyak nang mamatay kuno si Marcus. Habang nasa buffet table, napansin ng isang pares ng bisita na nahirapan siyang magbalanse sa platong hinawakan at ng anak niya. May kabigatan kasi ang bata. Akala niya ay tutulungan siya ng dalawa, hindi pala. Tinawag ng mga ito si Marcus at pinagsabihan. "Mister, hindi mo ba nakikita na nahihirapan ang iyong mag-ina?" Nagtanong ang isang babae na kasing-edad lang yata ni Paloma. Hiniling ni Daniella na sanay lamunin na lang siya ng lupa nang tumingin sa kanyang gawi si Marcus. "They're not related to me,” sabi ni Marcus. Hindi siya dapat masaktan sa sinabi ng lalaki. Pero bakit nasasaktan pa rin siya nang harap-harapan nitong sinabi sa ibang tao na hindi sila kaano-ano? Ganunpaman, wala ba talaga itong puso na tumulong sa kapwa maski hindi sila kaano-ano? Nainis siyang ginawaran ng tingin ang lalaki "Ganun ba? Naku, pasensya na po sa assumptions ko,” humingi ng dispensa ang babae bago ito umalis. "No problem," sabi ni Marcus na bahagyang nabahala sa sinabi ng isang bisita.Nang tumingin siya sa gawi ni Daniella, huminga ito ng malalim na parang nabunutan ng tinik. Nagtaka siya kung bakit parang nabunutan ng tinik si Daniella nang umalis ang tsismosang babae. Hinintay ni Marcus na lapitan siya ng babae ngunit hindi iyon ginawa ni Daniella. Pagkatapos nitong maglagay ng pagkain sa plato, naglakad ito pabalik sa kanilang mesa. He was about to follow her when Ortega came with a very big smile. "So, where's your hot mama?" Nakangising tinanong ni Alexander si Marcus. Nalilito siya sa tanong ni Ortega. "Ano'ng hot mama ang pinagsasabi mo?" Gumanti ng tanong si Marcus. "Sino pa eh di si Daniella. Gaano ba kayo ka close? Sa tingin ko, type ka niya, Pare. Kung makahawak sa braso mo, naku, ang higpit." Kagabi pa napansin ni Ortega ang kakaibang tingin na ipinukol ni Marcus sa babae. Kung hindi pa sinabi ni Lilian na stepdaughter ito ni Paloma, hindi niya matatandaan ang hitsura ni Daniella. Hindi nga pala alam ni Ortega ang buong katotohan tungkol sa kanila ni Daniella. Tanging si Samuel lang ang nakaalam na naging asawa niya si Daniella Reyes. "At kailan ka pa naging tsismoso?" sinita ni Marcus si Ortega na panay ang kantyaw sa kanya. "Ngayong araw lang, actually. Di ba nabanggit mo sa akin noon na may nangyari sa inyong dalawa doon sa Hong Kong? Na posibleng mabuntis ang dalaga? Paano kung anak mo iyong bata na dinala niya kanina?" He clearly remembered everything that Marcus told him when he barged at his residence to ask for Daniella's address. "Did I not tell you about the DNA result that I’m not the child's father?" Marcus reminded Ortega about their last conversation. "Pero paano mo nasigurado na hindi peke ang resulta na pinadala ni Daniella sayo? Kasi, kung ako ang nasa katayuan ng babae, hindi ko rin sasabihin sayo ang tungkol sa bata. Why? Because you're so cold-hearted and a child needs a loving father!" Giit ni Alexander Ortega. "So, I am a cold-hearted bastard. Now, look who's talking!" Nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki. “Baka nakalimutan mo na pareho lang tayo, Ortega. Ilang babae na ba ang hindi mo matandaan dahil sa kagustuhan mong si Claire lamang ang laman diyan!” Tinuro ni Marcus ang dibdib ng lalaki. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD