Radd POV Hindi ko mapaliwanag ang nararamdaman kong saya ngayon. Kagabi lang ay gulat na gulat ako ng malamang annulled na si Amarah sa dati niyang asawa. Parang panaginip lang ang lahat dahil inakala kong hindi magagawang makipaghiwalay ni Amarah sa asawa dahil alam ko kung gaano niya ito kamahal. Nasaksihan ko kung paano niya tiniis ang mga hirap na pinagdaanan niya para sa asawa. Sa lahat ng babaeng nakilala ko ay ibang-iba si Amarah si kanila. Siya ang babaeng dapat na alagaan at handa akong gawin lahat ng walang hinihinging kapalit. Matagal ko na siyang gusto pero tinatago ko lang at pilit na nilabanan ang aking pagmamahal sa kan'ya. Natatakot akong isipin n'yang sinasakyan ko ang kan'yang sitwasyon. Baka isipin niyang kailangan niyang suklian ang lahat ng pagtulong ko sa kan'ya.

