"Saan ka galing?" Napahinto sa pagpasok ng cottage room si Carol ng marinig niya ang boses ni Brent sakanyang likuran.. Madaling araw pa lang kaya nagtataka siya kung bakit nasa labas ito ng cottage niya.. May kanya kanya kasi silang cottage na binigay ni Madam Gina "Diyan lang" Sagot niya. Wala siyang ganang sagutin ito dahil naiinis padin siya sa kamanyakan nito kagabi. "Bakit madaling araw ka na matutulog? Saan ka galing?" Halata ang galit sa boses nito Kung tutuusin mukha itong walang Lung Cancer dahil maayos ang pangangatawan nito. Sa loob ng sampung buwan nagtataka din siya kung bakit hindi ito nanghihina. Malakas padin ang katawan nito at malakas pa din itong uminom ng alak "Wala ka ng paki-alam kung saan ako galing.. Inaantok nako" Papasok na sana siya sa loob ng kanyang cotta