Chapter five

988 Words
Muntik ng madapa si Carol habang siya ay tumatakbo papunta sa kaniyang opisina! Nakuuuu Late nako! Alas otso na kasi siya nagising! Paano gabing gabi na hindi padin siya makatulog kakaisip kay Gavin. Kaya tuloy hindi siya nagising ng maaga lalo na nakalimutan niya din mag Alarm Sanay pa naman sila ni Tita guada niya na hiwalay pagpumapasok sa opisina! Kaya hindi nito alam na malelate siya Naku naman oh.. Di pa ako nakakapag-Makeup eh! Dahil sa pagmamadali hindi pa nakapag-makeup si Carol.. Naligo lamang siya at Nagtoothbrush.. Nakalimutan na niya mag makeup dahil sa pagmamadali, Mamaya nalang siya mag makeup sa loob na mismo ng Opisina Pag Pasok niya ng Building Napatingin yung guard sakanya "Miss parang ngayon lang kita nakita dito" Pinatigil siya nito sa pagpasok "Kuya Manong Late na po ako" Pinakita niya dito ang kanyang ID "Hindi ikaw to.." Nakakunot pa yung nuo nung Security Guard na kalbo "A..Ako po yan. Nakalimutan ko lang po mag-makeup." "Ganon ba? Wag ka na mag makeup sa susunod nakakatakot eh" Pinapasok na siya nito sa building ng PHIL TECHNO MOTORS Hays! Cause of delay naman si Manong eh! Halos takbuhin na ni Carol ang Elevator para lamang mahabol ang pagsara nito "Waaaaaiiiiiit!!! Up poooo!" Sigaw niya habang tumatakbo Mabuti nalang napigilan ng lalaki sa loob ng elevator ang pag sara nito. Hingal na hingal si Carol pagpasok niya sa Elevator. "Thank you!" Pasasalamat niya sa lalaking nag iisa sa elevator. Pinindot niya ang pinakamataas na Floor dahil duon ang Private room ni Gavin bilang Owner ng PTM Napangiti naman ito habang nakatitig sa kanyang mukha "It's Okay.. Late ka na siguro?" Tanong nito sakanya. Napansin ni Carol na gwapo din ito. Maputi at mukhang Kano pero marunong mag tagalog "Opo Sir.. Lagot ako sa boss ko" "I can see si Gavin ang Boss mo? By the way I'm Brent, His Cousin" Inilahad nito sakanya ang kamay upang makipag shakehands Tila gumuho naman ang mundo niya sa narinig oh emmm geeee! This can't be true!!! Paano na yan! Nakita ng pinsan ni Gavin ang tunay kong mukha! Ito na mismo ang humawak sa kamay niya dahil nakatulala lang siya dito "Nice to meet you Miss.Carol" Todo ngiti ito habang nakatitig sa mukha niya. "P..Paano mo ako nakilala?" Napalunok siya.. "In your name plate" Napatingin ito sa name plate niya sa gilid ng blouse niya! ayyy s**t naman talaga oh Bumukas ang pinto ng elevator at nagmadali ng lumabas si Carol di na siya nag paalam kay Brent dahil nagmamadali na siya. Nagtataka naman si Brent kung bakit nag mamadali ang babaeng napakaganda ng mukha. Napangiti siya mukhang aaraw arawin niya ang pagdalaw sa kanyang pinsan/Bestfriend na si Gavin Salvador Pag dating ni Carol sa loob ng Restroom sa labas ng Private Room ni Gavin. Nagmakeup na agad siya at sinuot ang kanyang salamin. Mabilis niya din itinali ang kanyang buhok. Hala wala akong pantali...!!! Nakalimutan niyang dalhin ang kanyang pang-tali ng buhok kaya hinayaan nalang niyang nakalugay ang buhok niya. Tutal panget naman na siya sa makeup niya Halos patakbong pumasok ng Opisina ni Gavin si Carol. Nang makarating siya sa pintuan ng Private Room nito mahina siyang kumatok sa pinto parang mabibingi naman siya sa lakas ng kabog ng puso niya Diyos ko sana po wag magalit si Boss! Late na late nako 10am na! "Come in" Mas dumoble ang kaba ni Carol dahil parang galit ang boses ni Gavin. Mabilis siyang pumasok sa loob at hindi siya makatingin dito kaya todo yuko siya "Boss Sorry po! Late na late po ako.. Sorry po. sorry po Talaga" Nag-Bow paulit ulit si Carol upang ipakita ang pag hingi niya ng tawad sa Boss niya "What happened to you?" Mukhang galit ang boses nito "Carol? what happened to you? Halos sabay pang tanong ni Gavin at ni brent?! Naku naman anong ginagawa mo dito brent!!! "B..Brent" Gulat din na tanong ni Carol dito Nakamasid lamang si Gavin sa dalawa. Kanina pa kasi siya kinukulit ni Brent na ipakilala kay Carol "Mukhang magkakilala naman pala kayo?" Walang ka-ngiti ngiting tanong ni Gavin "Wait. Carol anong nangyari sa face mo? bakit ganyan" Lumapit ito sakanya Napalunok naman si Carol sa sobrang kaba "G...Ganito ako mag-ayos talaga.." Napayuko naman si Carol at nagdasal na sana wag na maki-alam si brent "Oh God.. Your so interesting" Napapa-iling nitong sabi habang nakangiti.. Di napigilan ni Brent na kurutin ang pisngi ni Carol. "Anu ba---" Magrerelamo sana si Carol sa pagkurot ni Brent sa kanyang pisngi "Stop it.. Brent Go home wag kana mangulo dito kung wala ka naman kailangan umalis kana, I have many things to do" Pagtaboy ni Gavin kay Brent nakasimangot ito. "And you , Magtrabaho ka na" Binalingan siya nito at masama ang tingin sakanya. Nagmadali naman siyang pumwesto sa kanyang work station. Halos natataranta siya sa pag bukas ng Computer niya dahil dalawang gwapo lang naman ang nakatitig sakanya "Kuya Gav ang sungit mo talaga., Anyway nagpunta lang naman ako dito para sabihin sayo na birthday ng Mommy mo next Friday baka makalimutan mo eh.. Its a pool party.. " Nakapamulsa nitong pag imporma kay Gavin habang nakatitig padin kay Carol "Fine, Get out" Nakasimangot padin si Gavin dahil di niya nagugustuhan ang pagtingin ni Brent sa kanyang sekretarya "Wait kuya before i leave." Lumapit ito sa area ni Carol at napatingin naman si Carol dito "Punta ka sa party next friday.. Invite kita ha" Nakangiti ito habang nakatitig kay Carol at pinatong niya ang kanyang calling card sa desk nito "Call me if you need a friend.. Bye for now" Kinindatan pa siya nito bago nag paalam sakanila ni Gavin at tuluyan na itong lumabas ng Private room Nakasimangot naman si Gavin sa ginawa ni brent.. "Mag Over time ka mamaya madami tayong trabaho nalate ka pa" Pagsusungit ni Gavin kay Carol "Sorry Boss. Okay po" Napakagat labi naman si Carol sa pagsusungit ni Gavin saknya.. What a day!!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD