"Sana nabusog ka sa niluto ko Boss" Todo ngiti si Mrs Guada kay Gavin dahil ang daming nakain nito, Tila nagustuhan nito ang niluto niyang ulam na Kare-kare at Sotanghon "Nagustuhan ko po" Napangiti ng simple si Gavin, Nakaupo padin sila sa hapag kainan kakatapos lang nilang kumain Magkatabi ang upuan ni Gavin at Carol, kaharap naman nila ang upuan ni Mrs Guada Nagkatinginan si Carol at Mrs Guada dahil nagulat sila sa pag galang nito kailan pa siya gumagamit ng po at opo sa tita ko? - Sa isip ni Carol "S..Salamat boss. Sa susunod po uli welcome kayo dito sa bahay namin" Sobrang saya ni Mrs guada hindi niya akalain na magugustuhan ni Gavin ang luto niya "Salamat po" Tipid itong ngumiti at tumingin kay Carol OMG wag mo akong tignan ng ganyan.. Napayuko si Carol dahil hindi niya ma