Excited pumasok sa opisina si Carol dahil bago ang kanyang damit. May GO signal na siya kay Gavin na pwede na siyang mag suot ng maayos na damit hindi na Baduy! Naalala niya pa ang pag uusap nila nung sabado ng gabi... flashback "Bakit mo ako binilhan ng mga damit boss? Nababaduyan ka ba sakin?" Lakas loob na tanong ni Carol ng ihatid siya ni Gavin sa Gate ng bahay nila "No.. Ayoko lang pinagtatawanan ka ng mga tao." Seryosong sagot nito "B..Bakit Boss?" Napapakagat labi pa si Carol habang hinihintay ang kasunod na sasabihin ni Gavin "Just because" Kibit balikat nito "Ah.. Salamat po uli sa mga damit" Ngumiti lang ito at tumalikod na.. Naglakad na si Gavin pasakay sa kotse nito habang si Carol naman parang nangangarap ng gising... end of flashback Kaya naman masayang masaya s