DANGEROUS SWEET SMILE (Meet Azry Hernandez) WHEN he reached the hospital, nasa labas na si Owen at kasama nito ang ilang nurse. Nakahanda na rin ang stretcher. Owen opened the car's door at the backseat. Mabilis naman na bumaba si Azriel sa kotse at inalalayan si Owen na ilabas si Ryleigh mula sa backseat ng kotse. Hiniga nila ito sa stretcher at kaagad naman itong itinulak ng mga nurse papasok sa loob ng hospital patungo sa Emergency Room. At that moment, Azriel didn't know what to do. Kung ano ba ang uunahin niya, kung papatayin ba niya si Matthew o hihintayin na lalabas ang doktor mula sa ER para sabihin kung kumusta ang kalagayan ni Ryleigh. Napasabunot siya sa sariling buhok. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nag-alalala ng ganito. "Boss, okay lang ba kayo?" tanong ni Owen