Carl POV "Mine, ano ba ang pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ko "Umalis ka na!"sigaw nya Nakaramdam agad ako ng takot sa sinasabi nya. Bakit nya ako pinapaalis? Anong nagawa ko? Dahil ba ito sa kanina? "Mine, kung dahil sa kanina kaya mo ako pinapaalis ay sorry na" hinalikan ko yung kamay nya "Naaalala ko na ang lahat. Kung paano mo ako pinagtabuyam. Kung paano mo ako binaliwala. Kung paano mo ako niloko. Kung paano mo ako pinaiyak at sinaktan ng paulit ulit. Kung paano mo ipinagtanggol si Nicole sa akin kahit sya ang mali at kung paano ako nawalan mg memorya"natigilan ako habang nakatingin sa kanya na umiiyak Ito na yung kinatatakot ko, yung maalala nya ang lahat, magalit sya sa akin at hindi nya ako patawarin "Mine, patawarin mo ako" nakikiusap na sabi ko Hindi ko kakayanin ku