“Manong parang mali po ang dinadaanan natin ah"kinakabahang sabi ko "Nagshort cut lang tayo" nakita kong ngumisi sya dahil sa rearview mirror nitong taxi Paano nagshort cut eh mas matagal pa nga kami bago makarating, agad kong kinuha yung wallet ko at kumuha ng pera hindi ko na binilang kung magkano yon kasi kinakabahan na talaga ako "Manong dito nalang po ako ito na ang bayad" nanginginig yung kamay ko habang inaabot yung bayad at imbis na ihinto nya ay mas binilisan nya pa "Libre ito ineng wag ka ng magbayad"nanginginig parin akong kinuha yung cellphone ko ng hindi ko pinapahalata saka basta nalang akong pumindot sa mga number ko at saka tinawagan ito habang nakatingin ako sa driver kasi baka mahalata ako "Manong bababa na po ako" sinigurado kong maririnig ang boses ko sa cellphone