Scarleth POV Marami akong gustong itanong sa kanya na gusto kong masagot lahat. Kahit masaktan pa ako basta malaman ko yung totoo saka sanay na ako sa sakit "I-ilan ang girlfriends mo?" Naiyak na tanong ko at wala na akong pakialam kahit makita nya yon "Apat? Lima? Anim, including you" naitukod ko yung dalawa ko yung dalawa kong siko sa lamesa at tinakpan yung mukha ko at don umiyak ng umiyak Nasasaktan ako! Akala ko seryoso na sya sa akin pero anim kaming pinagsabay sabay nya. Mahal nya ba talaga ako? "Yung babae sa park h-hindi mo sya p-pinsan diba, girlfriend mo sya" "oo"nagsinungaling sya.... Nagsinungaling sya sa akin Tinanggal ko yung kamay ko sa mukha ko at diretsyong tumingin sa kanya habang tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko. Nakita ko na nagaalala syang nakatingin sa akin