The Soldier & I Book 2 AiTenshi Aug 8, 2018 Hinayaan kong nakabulagta ang aking katawan sa lupa habang dumadaloy dito ang pinag halong lamig at kirot dulot ng aking mga tama. Nakadilat ang aking mga mata ngunit ang aking isipan ay blanko na. Nakatanaw lamang ako sa itaas ng kalangitan habang pumapatak ang luha sa gilid ng aking mata. Chapter 37: Batalyon ng Lagim Ngayon ko lamang napag tanto na hindi talaga biro ang pinasok kong sitwasyon. Sana ay nag matigas ako at hindi ko inisip ang mararamdaman ng iba. "Ngunit ayoko namang maging madamot, ito ba ang kapalit ng pag tugon ko sa tawag ng tadhana? Nakabuti ba ito sa akin o nakasama? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang aking dapat isagot." ang tanong ko sa aking sarili habang naka lubog sa t