The Soldier & I AiTenshi Book 2 July 21, 2018 Pag pasok sa aking dating silid ay agad kong ibinagsak ang aking katawan sa kama. Niyakap ko ang aking unan at doon ay nag simula nang pumatak ang luha sa aking mga mata. Ang luhang may halong kirot, hinagpis at kalungkutan. Hindi ko lubos maisalarawan ang aking dapat maramdaman ngunit pakiwari ko ay dinudurog ang aking buong pag katao. Nakakapanuya talaga ang buhay, sa dami ng misyon, pag subok at giyera na aking pinag daanan. Iisang bagay lamang ang tanging naka sakit at nakapag paluha sa aking mga mata. At iyon ay ang bagay na tinatawag na "pag ibig". Chapter 28: Pangitan Panandalian kong nakalimutan ang sakit sa aking dibdib dahil sa pag kakatulog, hindi ko alam kung anong oras na ngunit nagising ako sa katok mula sa