The Soldier & I Book 2 AiTenshi July 15, 2018 Chapter 22: Buhay SF "Kamusta ang weekend ninyo? Sana ay nakapag pahinga kayo ng maayos. At muli ay binabati ko kayo sa isang matagumpay na misyon na sugpuin ang mga terror queens. Sa ngayon sila ay naka kulong sa piitan ng mga kababaihan upang hindi sila mag enjoy sa kanilang mga buhay. Nais kong palakpakan natin ang ating mga sarili." ang bungad ni Commander Palma Palakpakan. "Ayos lang ba si Ed doon sa likod?" ang tanong ko noong makitang pumasok ito sa loob ng conference area, may kasamang babaeng sexy at akbay pa niya ito. "Ayos lang naman siya. Mukhang naging babaero na yung kaibigan mo." ang bulong ni Francis "Wag mo na lang pansinin kung ayaw mong masiraan ng bait." sagot ko rin sabay tingin kay Ed na noon ay