The Soldier & I Book 2 AiTenshi July 10, 2018 Mabilis kong kinuha ang susi na iniwan ni Ed sa selda kung saan ako naka kulong. Ito ang ginamit ko upang makatakas sa kanilang hide out. Sa ngayon ang grupo nila ay nag hahanda na upang looban ang pinaka malaking banko sa lungsod. Chapter 18: Misyon ng Kagandahan "Nag alala ako sa iyo, alam mo ba na gumawa ako ng sarili kong plano upang iligtas ka sa kamay ng mga kalaban. Mabuti nalang at may utak rin pala iyang kaibigan mong may bahog at nagawa pa niyang nakawin ang susi sa lider nila." ang wika ni Bryan habang ginagamot ang ilang gasgas at pasa aking mukha. "Hindi naman ako pinabayaan ni Ed, wala naman silang ginawa sa akin dahil ang alam nila ay isa lamang akong waiter doon sa bar." tugon ko naman. Niyakap ako ni Brya