The Soldier & I Book 2 AiTenshi July 11, 2018 Chapter 20: Emilio "Matagal na kayong mag kakilala ni Bryan?" tanong ko kay Oriel habang naka upo kami sa balkunahe ng ospital at nag hihintay ng resulta sa kalagayan ni Ed. "Mag kasama kami sa Cambodia noon, sabay kaming nag training doon. Nag simula kami sa mababang ranggo hanggang sa kapwa kami umasenso, ang ibig kong sabihin ay mag improved." naka ngiti niyang sagot. "Kaya naman pala pareho kayong mahusay. Siguro ay mabigat ang mga pag subok at training na pinag daanan ninyo doon." "Sinabi mo pa, minsan ay tumutulay kami sa lupid, bumibitin sa matataas na gusali at bumubuhat ng mabibigat na bagay. Ang lahat ng iyon ay ang nag patibay sa amin." "Ang husay nyo naman." tugon ko habang naka ngiti. Ngumiti rin siya