The Soldier & I Book 2 AiTenshi July 1, 2018 Chapter 13: Espesyal na Armas "Hindi naman maitatanggi na lahat kayo ay mahuhusay at natatangi. Iyan ang isa sa pinaka mahalagang katangian ng isang special unit member. At naniniwala ako na ang isang espesyal na alagad ng kabutihan ay nangangailangan rin ng espesyal na sandata. Kaya naman ngayong araw na ito ay inimbitahan ko ang isang kaibigan mula sa bansang Cambodia upang bahagian kayo ng kanyang mga natatanging imbensyon." ang wika ni Commander Palma. Pumasok ang isang lalaki sa siid. Gusot ang buhok nito na parang nakuryente, hindi gaanong katangkaran at may bitbit pang isang malaking bag na halos kasaya na siya sa loob. "Siya si Tufeng, isang mahusay na imbentor at taga gawa ng kakaibang armas." ang pakilala pa ni Commander