MAGING sa reception ng kasal nila ni Lhorde, pakiramdam ni Raven, welcome siya ng lahat ng tao. Ang sarap sa pakiramdam. Lalo na at majority ay puro imbitado ng side ni Lhorde. Maraming malalaking tao, in terms na mga bigatin dahil sa matatayog din na negosyo sa business industry na kinabibilangan ng mga Ellison. “Love, gusto mo pang kumain? Mamaya, pag-uwi natin sa bahay mo, siguradong wala ring available na pagkain. Pakabusog na tayo,” nakangiti pang wika sa kaniya ni Lhorde. “Ewan ko ba sa tiyan ko ngayon, para bang busog na busog sa kasiyahan. Lalo na at kitang-kita ko na nag-e-enjoy ang lahat ng tao ngayon. Ang sarap lang nilang pagmasdan.” “Pero kailangan mo pa ring kumain, love. May gusto ka ba? Magpapakuha ako.” “Mapilit ka?” paninigurado pa niya. “Baka pagsisihan mo,” nakangit