“LOVE… May problema ba? Pagkakain kasi natin, bumalik ka rito sa kuwarto at nahiga. Tell me if something is bothering you,” masuyong wika ni Lhorde na tumabi ng higa kay Raven sa kama. Nagmulat ng mga mata si Raven. Inabot niya ang pisngi ng kaniyang nobyo at masuyong hinaplos. “Walang problema,” aniya rito. “I’m just too sleepy.” “Are you sure? Baka mamaya, may lihim ka na palang galit sa akin ay hindi ko pa alam.” “Wala nga po,” nangingiti niyang wika. Muli niyang ipinikit ang mga mata. “Wala naman akong gagawin. Gusto ko na lang humiga at matulog.” “Tanghali ka na rin halos bumangon kanina,” paalala pa nito sa kaniya. “Nagpuyat ka ba kagabi ng hindi ko alam?” “Sabay tayong natulog kagabi,” aniya rito. “Pero bakit antok na antok ka?” “I don’t know.” Sinalat nito ang kaniyang noo