Chapter 76

1302 Words

“SIR, I’m sorry to disturb your meeting,” anang isang tauhan ng pamilya ni Lhorde. “Bakit?” tanong ng ama ni Lhorde. “Tumawag po si Madam Berenice, isinugod na raw po sa ospital si Ma’am Raven. Pinapupunta na po kayo sa Ellison Medical Center.” Halos hindi na patapusin pa ni Lhorde ang sinabing iyon ng tauhan, kulang na lamang ay kumaripas siya ng takbo papalabas ng gusaling iyon. Sinasabi nan ga ba niya, kaya ayaw niyang sumama sa kaniyang ama dahil ayaw niyang iwan si Raven. Ngunit ang asawa naman niya ang mapilit na sumama siya dahil okay lang naman daw ito. Ito iyong pinakaayaw niya, iyong wala siya sa tabi ni Raven oras na isugod ito sa ospital. Akmang sasakay siya sa may driver side nang may pumigil sa kaniyang kamay. Nalingunan ni Lhorde ang kaniyang ama na humihingal pa rin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD