“MAMA, ano ba ‘yang ginagawa mo? Pabalik-balik ka sa paglalakad. Ako itong nahihilo sa pinaggagagawa mo riyan, eh. Puwede bang umupo ka na lang?” reklamo ni Olivia sa ina nitong si Patricia na kanina pa lumakad nang lumakad pabalik-balik. Nanginginig pa rin ang pakiramdam ni Patricia nang harapin niya ang kaniyang anak na si Olivia. “Nakita ko si… si Raven kanina.” Kumunot ang noo ni Olivia. “Ang babaeng ‘yon? Saan?” “Sa bahay ng Papa niya.” Umawang ang mga labi ni Olivia. “At ano naman ang ginagawa niya roon? ‘Di ba, pinapaayos na ‘yon ng bagong may ari?” “At si Raven ang bagong may ari niyon, Olivia. Nakausap ko siya kanina. Siya raw ang nakabili ng bahay at lupa na ‘yon. Ang ganda na ng bahay na inalisan natin. Halos hindi ko lubos maisip na ‘yon ang dati nating tinitirhan.” Olivi