Chapter 39 3rd Person's POV Lunch break, susugurin ni Brent si Jasper nang pigilan siya ni Yuri at sinabing huwag ng gumawa ng gulo. "Sorry, na-offend lang naman ako sa sinabi mo kaya sinumbong kita," ani ni Jasper. Maraming babae ngayon ang masama ang tingin kay Brent. Sinabi ng class president na huwag na lang pansinin si Brent. May kumatok sa pinto. Napatigil si Ceres na kasama si Lucinda. Napalingon ang lalaki at si Brent. "Ate Ceres," tawag ni Brent. Agad na lumapit si Brent kay Ceres. Napatigil si Jasper matapos makitang lapitan ni Yuri si Ceres. "Nandito ka ba para makita ako?" tanong ni Yuri. Hindi maipinta ang mukha ni Ceres at tinanong ang mga ito kung anong ginagawa doon. "Masama ba puntahan ang fiance ko?" tanong ni Yuri. Nagkaroon ng bulungan sa loob ng classroom