Chapter 41 3rd Person's POV "Makinig ka kina Vesta okay?" ani ni Paris at hinaplos ang buhok ng anak na lalaki. "Yeah, kapag babae laging tama," sabat ni Jackson. Lumingon si Paris sa asawa at napataas ang kilay. "May ibig sabihin ka ba doon Jack?" tanong ni Paris. Tumawa si Jackson at sinabing wala. Natawa ng mahina sina Levi. Maya-maya dumating si Fider at Adonis kasunod sina Loki na may dalang mga prutas. "Jasper," tawag nina Loki. Tinanong ni Paris kung sino ang mga kasama ni Fider. "Wait, pamilyar sila," ani ni Dahlia. Sinabi ni Paige na sila iyong mga cute na bata na umiiyak palagi kapag inuuwi nila si Jasper at gusto sumama. "Naalala niyo pa sila mom?" tanong ni Jasper at nilingon sina Dahlia. "Ang gwapo kayang mga bata 'nan. Tiyaka sila lang iyong mga batang palagi