11

1159 Words
Chapter 11 3rd Person's POV "Anong nangyari sa braso mo?" tanong ni Lucinda. Hawak ngayon ni Levi ang isang braso. Sinabi ni Levi na hinawakan iyon ni Daniel ng mahigpit kanina at pilit siya sinasama. "Hindi siya makaintindi na ayaw ko na siya kausapin," ani ni Levi. Tumayo si Ceres at sinabing tuturuan niya ng leksyon si Daniel. "Ceres hindi pwede! Kapag nalaman iyan ng school dean patay ka na naman," ani ni Vesta. Nangunguna sa distrito ang varsity team ng university nina Ceres dahil kay Daniel. Hindi sila magalaw nina Lucinda dahil doon. Naalala ni Lucinda na abot-abot ang sermon na natanggap niya dahil hindi niya sinabi kung sino ang bumato kay Daniel. "Sinong may spare uniform sa inyo ng university na ito?" tanong ni Jasper na nakaupo sa bench at nakangiti. "Uniform? Aanhin mo?" tanong ni Ceres. Sinabi ni Jasper na tuturuan niya ng leksyon ang nam-bully kay Levi. — Magkasing height lang naman si Vesta at Jasper. Nagkasya kay Jasper ang skirt, longsleeve at coat ni Vesta. Hiniram ni Jasper ang office nina Ceres. Sinuot niya ang wig na hiniram ni Ceres sa ibang section at naglagay ng make up. Inayos ni Jasper ang suot na bra na nilagyan ni Jasper ng ilang tela at tissues para magkaroon iyon ng umbok. Sa labas naghihintay sina Ceres. Tinanong ni Lucinda kung anong pinaplano ni Jasper. Wala din naman silang alam dahil kinuha lang naman nila ang mga bagay na pinakukuha ni Jasper. Bumukas ang pinto ng office at lumabas ang isang napakagandang babae. Napatigil sina Ceres. Muntikan na matumba si Lucinda sa kinatatayuan at tinanong kung anong ginagawa ng babaeng iyon sa opisina nila. "Ako ito si Jasper," ani ni Jasper. Hinawakan niya ang skirt at medyo binaba. "Wi-wait bakit ka nakasuot ng ganiyan?" tanong ni Levi. Sumilip si Lucinda sa pintuan ng office kung nandoon si Jasper. Muntikan na nila ito hindi makilala. Nagsuot din kasi ito ng makeup at bumagay dito ang uniform. Ngumisi si Jasper at sinabing may tuturuan nga siya ng leksyon. "Hindi siya natuto sa pagbato ko ng tumbler sa ulo niya. Ewan ko lang dito kung hindi siya tumino," ani ni Jasper. May tinaas siyang bottle ng water at white towel. "Wait, wala ka naman balak siyang lasunin diba?" tanong ni Lucinda. Sinabi ni Jasper na wala siyang balak maging criminal. Tumalikod si Jasper at sinabing manood na lang sila. Okay na sana ngunit nadapa si Jasper dahil nagkamali ito ng tapak at naka-heels pa siya. Buti na lang nagsuot ng cycling si Jasper dahil siguradong tumaas ang skirt niya noong nadapa siya. Nakatungkod ang isang kamay ni Jasper sa sahig at nilingon sina Ceres. Nagkaniya-kaniyang iwas ang mga ito ng tingin habang pinipigilan na matawa. "Grr! Huwag kayong tumingin!" Tinulak ni Jasper ang katawan patayo at naglakad muli na parang walang nangyari. Pinagpagan ang sarili. "Actually, wala akong balak sumuko. Hindi ko ibibigay si Jasper," ani ni Ceres. Napatigil sina Vesta, Levi at Lucinda. Nilingon niya ang tatlo. "Interesado din kayo kay Jasper hindi ba?" tanong ni Ceres. Humarap si Vesta kay Ceres at kina Lucinda. "Mas lalong hindi ako papayag. Perfect guy para sa akin si Jasper at ako ang una na nakakita sa kaniya," ani ni Vesta. Hindi din pumayag sina Levi at Lucinda. Nagsukatan sila ng tingin ng apat. "Okay walang mangyayari kung mag-aaway-away tayong apat. At the first place mukhang tayong apat ang type ni Jasper— paghati-hatian na lang kaya siya natin," ani ni Levi. Hinawakan niya ang labi at ngumisi. "Wait? Hati-hatiin? As in chop-chop?" tanong ni Lucinda. "Bobo! Hindi iyon! Hindi chop-chop tinutukoy ko," ani ni Levi. Napaisip sina Vesta at Ceres. Kung papipiliin nila si Jasper 100% sure si Ceres na walang pipiliin si Jasper at malaki ang chance na kahit makipagkaibigan imposible na dito. Kalaunan sa gymn, Tahimik lang naghihintay si Jasper malapit sa bench kasama ang maraming babae na nandoon. Naglalaro si Daniel. Noong matapos ang practice— nilapitan si Daniel ng mga kabarkada then tinuro ang napakagandang babae na kanina pa din nakatingin kay Daniel. Nag-act si Jasper na nahihiya at tumingin sa kabilang bahagi ng gymn. Napangisi si Daniel— maikukumpara na kasi ang ganda nito kina Ceres. Naglakad si Daniel sa mga babaeng naghihintay sa gilid ng gymn. Impit na nagtilian ang mga babae na nandoon ngumiti lang si Daniel sa mga ito at lumapit kay Jasper. Napatingin si Jasper. Tinanong ni Daniel kung transferee ba ito. Tumango si Jasper at nahihiya na iniabot ang tubig at towel. Napangisi si Daniel at kinuha iyon. "Anong pangalan mo beauty?" tanong ni Daniel. Umiwas ng tingin si Jasper. Hindi siya maaring magsalita. Nakita niya na iniinom iyon ni Daniel. Inubos iyong tubig at nag-act pa na cool sa harap ni Jasper. Maya-maya— napaatras ang mga babae matapos biglang kumulo ang tiyan ni Daniel. Nagreklamo ang mga babae ng mabaho. Umalis doon si Jasper noong nagkagulo. Natatawa itong lumabas ng gymn— may tumawag sa kaniya. Napalingon si Jasper— nanlaki ang mata niya matapos makita ang mga barkada ni Daniel. Tumakbo si Daniel ng mabilis at tumungo sa building kung nasaan alam niyang nandoon sina Lucy. Hinahabol siya ng mga barkada ni Daniel hanggang sa may humila sa kaniya sa isang bakanteng kwarto. Isinara iyon at ni-locked. "Jasper? Gaano ka ba ka-bored sa buhay at pagkatao mo at nagkaganiyan ka?" ani ni Destiny. Tinanong ni Jasper kung paano nalaman ni Destiny na siya iyon. "Duh! I'm your sister idiot. Kahit pa maging tilapia ka makikilala kita," ani ni Destiny. Nakatambay siya sa labas kanina— nasa railing at hinihintay sina Fider hanggang sa makita niya si Jasper na tumatakbo at hinahabol ng mga nasa varsity team. May nagbubukas ng pinto. Sinabi ni Destiny na magtago si Jasper. May nakita si Jasper na table at agad siya lumusot sa ilalim. Kinuha ni Destiny ang phone niya. Pinatunog niya iyon. s*x video iyon ni Lucky at Fider. Inilapit niya iyon sa pintuan. Tinabig ni Destiny iyong ilang libro sa table at nahulog sa sahig kasunod 'non ay mga ungol. Napatigil si Jasper at napatakip ng tenga. Kung alam niya lang na iyon ang gagawin ni Destiny para mapaalis ang mga tao sa labas sana lumabas na lang si Jasper. Napamura si Jasper sa isip dahil dapat lumabas na lang siya talaga kanina. Nagsi-alisan na iyong mga anino sa likod ng pinto. Lumabas na si Jasper habang hawak pa din ang tenga. Kinuha na ni Destiny ang phone at pinakita iyon kay Jasper. "Effective hindi ba?" tanong ni Destiny. Nakita ni Jasper sa video kung paano papakin ng mga kapatid niya si Jasper. "Kadiri! Yak ka talaga. Proud ka pa 'nan Destiny. Nag-video ka pa talaga ah," ani ni Jasper. Nginisian na lang siya ni Destiny. "What? Masama ba magtago ng remembrance? Isa pa ang cute ni Fider dito gusto mo panooring full video?" biro ni Destiny. Sinabi ni Jasper na patayin na ang video. "Sumasakit ang mata at tenga ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD