Chapter 46 3rd Person's POV "Hindi ka pumasok ng klase mo? Sabi ng mga kaklase mo nag-half day ka lang," ani ni Troy. Napakamot sa ulo si Jasper at sinabing tinulungan niya sina Ceres ayusin iyong budget plan at gupitin ang mga tickets na totoo naman pero siyempre pagkatapos iyon ng mini session nilang lima. Inaya na siya nina Troy sa auditorium. May mga katulong naman din sila na staff ng university. Nag-start na din si Jasper ng first part time job niya. Masasabi ni Jasper na wala ngang madaling trabaho ngunit masaya siya sa ginagawa niya. Tinutulungan niya kasi minsan si Troy mag-decorate at si Raven na pumili ng mga gagamitin nilang decorations. "Whoa, hindi ka pa napapagod?" tanong ni Joey. Tinutulungan ni Jasper ngayon si Joey na magbuhat ng ilang kahon galing stockroom. Hind