Ano 'to?? Rinig na rinig ko ang dagundong ng dib-dib ko. Halos di ako makalunok ng maayos dahil sa kabang nararamdaman.
"Let's go." untag niya. Sinundan ko lamang ito ng tingin hangang sa makalabas ng sasakyan.
Muli niya akong nilingon, at tiningnan sa mga mata. Kaya pinili ko nang lumabas ng sasakyan.
Iilang mga mata ng mga armadong narito ang naka tingin sakin, nang bumaba ako, sa sasakyan.
"Sumunod ka sa'kin." aniya.
Nauna siyang lumakad, at agad naman akong sumunod. Patungo siya sa loob ng bahay na animoy babasagin ang mga pader.
Napa nga-nga ako nang makita ang kabuuan ng bahay. Kung makikita sa labas, ay di gaanong kalakihan. Ngunit taliwas ito sa loob. Malapad ang espasyo nito. Piling kagamitan lamang ang meron dito. Tulad ng chandelier at mga babasaging decoration.
Boss!" bati ng isang Lalaking halos kasing-tangkan at kasing kisig ni Sir Marco.
Pero teka? Bakit Boss ang tawag sa kanya?
"Samuel. anong balita?" tanong nito sa Lalaking kaharap. Tumingin muna sakin itong si Samuel, bago bumulong kay, Sir Marco. Ilang sandali pa ay lumingon sa'kin si, Sir Marco.
"Alfie." tawag nito sa isang Lalaki, na may hawak na K3 machine gun.
Halos patakbo itong lumapit.
"Boss." yumuko ito sa harap ni Sir Marco.
"Paki asist ang kasama ko."
Nilapitan ako ng tauhan n'ya, at tinuro ang daan. Kaya sumabay na ako patungo sa hardin. Muli kong nilingon sila, ngunit wala na doon. Mabilis hinanap ng mga mata ko si Sir Marco, ngunit wala ito.
"Ma'am, gusto n'yo ba ng maiinom?"
Tanong ng nag nga-ngalang Alfie. Ngunit, nabaling ang atensyon ko sa isang Batang Babae...
"Yaya, sige na po! Saglit lang naman eh.." aniya sa nakakatandang kasama.
Tantsa ko nasa Anim na taong gulang na ito. Malusog ang pangangatawan nito. Maputi at singkit ang mga mata.
"Nicka, hindi pwede... pagagalitan ako ng Daddy mo," tugon ng Yaya nito. Binalik ko ang tingin kay Alfie,
"Bakit may bata dito?"
"A_aah h'wag nyo nalang pansin-"
Di nito natapos ang sasabihin ng tumili ang Bata. Kaya napa-lingon ako.
"Daddy!!"
Nagsalubong ang kilay ko sa nakita. Si Sir Marco? Binuhat nito ang Bata at kiniliti sa may t'yan. Kung kaya't tuwang tuwa ito.
"Daddy, enough!" Natutuwang saway ng bata kay Sir Marco.
"Kamusta ang, Baby ko?"
"Okay naman po ako.. kaya lang malungkot kasi wala akong kalaro dito.. "
"I told you, na konting tiis nalang. Hmm?"
Tipid na ngumiti ang Bata, "Yes Dad."
"Good girl.."
"Dad, who is She?"
Binaba nito ang Bata, at lumuhod upang mag pantay sila.
"Ow.. a friend of mine, Baby. Do you want to meet her?"
"Ofcourse Dad!" natutuwang sabi mg bata.
"Okay!" Tumayo si Sir Marco at hinawakan ang kamay ng Bata. Naglakad sila patungo sa kinaroroonan namin.
"Nicka? This is Ella." pakilala ni Sir Marco.
"Hi.. Ate Ella." kumaway pa ito at matamis akong nginitian.
"Ella," nabaling ang mga tingin ko kay Sir Marco ng bigkasin niya ang pangalan ko. Nag tama ang mga mata namin, this time parang may malalim itong gustong sabihin.
"I want you to meet my Daughter, Nicka."
Bakas sa mukha ko ang pagtataka. Ngunit pilit ko itong iwinaksi.
"Hi.. Nicka, your so adorable."
Mabilis na winigayway ang braso ng kanyang Ama at tiningala, "Dad..."
"Yes Baby?" Yumukod si Sir Marco at bumulong si Nicka..
natawa siya sa binulong ng Anak, "Promise me, na magpapakabait ka kapag wala si Daddy, okay?"
"Yes Dad..! Your the best! Mmuah!"
Napangiti ako ng mapait, nang makita ang sweetnes nilang mag-ama. Bagay na hindi ko naranasan noong maliit pa ako.
Napatingin ako sa kawalan ng maalala ang kabataan ko. Puno ng ingit ang sarili. Na kahit may Ama ako, ay diko naransan ang kalinga ng isang Ama.
"Bye, Ate Ella..." bumalik ako sa wisyo nang mag paalam si Nicka..
Tipid akong ngumiti at kumaway, habang akay ito ng Yaya.
"Hali ka na, handa na ang mga pagkain sa dining." lintaya niya. Nauna siyang nag lakad. Sinundan lamang ng mga mata ko ang malapad nitong likod.
Ginala ko ang mga mata sa buong paligid. Mahirap itong pasukin. Ngunit sa magagaling na Asasin ni Dad, na syang nag training sakin, ay sisiw lamang sa kanila.
'What I am thingking? Tatawagan ko ba si Dad? Pero...
"Ella! Lets go." huminto siya at hinihintay ang paglapit ko.
Mabilis akong tumango, at hinakbang ang mga paa..
____________
Pinagmamasdan ko si Nicka habang sibusubuan ito ng Yaya. Ang bibo nito. Pero may napansin ako.. hindi ito kamukha ni Sir Marco. Siguro kamukha ng Nanay. Pero na saan na nga ba ang Ina nito? Kanina pa ako dito pero diko nakikita?
"Ate, can we play at my room?" aya ni Nicka, nang matapos akong kumain.
Hindi ako nakasagot. Napatingin ako kay Sir Marco, tumango ito. Kung kaya't binalingan ko si Nicka nang may ngiti.
"Sure.." tipid kong tugon.
"Yeeey!" tuwang-tuwa ito nang bumaba ng upuan, at tumakbo papunta sa'kin.
"Lets go Ate!!"
Nagpatianod na lamang ako ng hilain ako nito. Pumasok kami sa silid niya, na maraming nakapaligid na laruan. Sa gitna nito ang king size bed na kulay pink ang unan at comforter.
Kung kanina ay napaka-bibo ni Nicka. Bigla naman itong naging matamlay.
"You know what, Ate. Lagi nalang akong naka-kulong dito sa house. Malungkot,"
"Ganun ba.. gusto mo ba ako nalang ang kalaro mo?" saad ko.
Tipid itong ngumiti at umiwas ng tingin. Bigla itong tumakbo at kinuha ang isang barbie doll at umupo sa sahig.
Tila may kurot sa puso ko, at nakaramdam ng awa.
"Ah, Nicka? N_nasaan ba ang Mommy mo?"
"I don't know." walang ganang niyang sagot. Napa-kunot noo ako sa sagot niya, kaya muli ko siyang tinanong.
"Hindi mo alam?"
"I don't want to talk about her!" madiin na tugon nito. Namumula na ang mukha niya, kaya Naalarma ako, na baka umiyak siya,
"I'm sorry Nicka."
Tumayo siya at tinungo ang kama.
"Gusto ko na pong matulog. Inaantok na po ako."
Mukhang mali ata ang timing ng pagtanong ko.
"Sige, Nicka.. lalabas na ako."
Wala akong nakuhang sagot dito. Pinili ko ng lumabas ng kwarto nya, at tinungo ang sala..
Walang tao dito sa sala ngayon. Malaya kong ginala ang mga mata sa paligid. Naroon parin ang mga armadong kalalakihan na nag mamasid sa paligid. Muli kong hinakban ang mga paa nang Biglang nag vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko. Kaya mabilis akong luminga-linga upang siguraduhin na walang taong makakarinig sakin.
"Hello Dad." pabulong ko na sagot.
"Where are you?" wika niua sa matigas na boses.
"Ho? Na_nandito sa bahay ng mga Delmundo." utal na sagot ko. Napakagat ako sa kuko, dahil na guilty ako sa pag sinungaling.
"Really?" tila ayaw niyang maniwala.
"Yes Dad."
"Okay. Wala ka bang ibabalita sa akin
Jella?, naiinip na ako!"
"Dad. Sa ngayon w_wala pa."
"Malapit na ang eleksyon! Hindi matyempohan ng mga tauhan natin, yang si Delmundo na Gobernador! Dahil may sa pusa ang lintek na 'yan! Nariyan ka para mag espiya! Gawin mo ang trabaho mo!"
Halos ilayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa pagsigaw nito sa kabilang linya.
"Opo Dad." Halos malunod ako sa sariling hangin na naipon sa dib-dib.
Natapos ang usapan namin ni Dad ng maramdaman kong may mga yapak na papalapit. Kaya agad kong pinatay ang linya.
Pinakiramdaman ko muna ito habang papalapit.
"Where's Nicka?" pilit kong kinalma ang sarili kahit Kakaibang kaba ang naramdaman ko ng mabosesan ang naturang boses sa likuran. Marahan akong humarap.
"Ah, Sir Marco. Natutulog na po."
"Okay.. Ella, I want to talk to you."
"Sige po."
"Follow me."
Nauna itong nag lakad, kaya sumunod na ako.
Pumasok kami sa isang kwarto na puno ng libro.. at may mesa sa gitna. Nasa ibabaw nito ang isang laptop.
"Sitdown." utos nito.
"Ayoko ng patagalin pa ang usapan. Kaya kita sinama dito, para alukin ng trabaho."
"Pero, nag tatrabaho na po ako sa Mansyon-"
"Dodoblehin ko ang sweldo mo. Uuwi na ng probinsya ang Yaya ni Nicka, kaya mahihirapan akong mag hanap ng kapalit n'ya."
"Pero Sir-"
"Please..."
Hindi na ako nakasagot ng titigan nya ako sa mga mata. Tila na hipnotismo ako sa mga titig nya.. I don't know why, but I feel so strange. Tila may kapangyarihan ito na agad akong napapayag, "Sige po,"
"Good. Nasa tabi ng kwarto ni Nicka, ang magiging kwarto mo. Nandun na din lahat ng kakaylanganin mo."
"Ho? Ibig sabihin ba hindi na ako babalik sa Mansyon?
"Yes.. not anymore, sige na, you may go."
Marahan akong tumango at lumabas na sa opisina nito.
May bumabagabag sa isip ko ng makalabas ng opisinang 'yon. Anong sasabihin ko kay Dad? Ano na ang mangyayari?
Napabuntong hininga nalang ako. ano ba naman ito Jella, Espiya ang pinasok mo hindi Yaya.
Kinabukasan.. maaga akong gumayak at ito ang unang araw ko bilang isang Yaya ni Nicka.
Sinilip ko muna sa kwarto si Nicka, bago tumungo sa kusina upang ipag handa ito ng almusal. Tulog pa ito, sabagay ala-Singco pa lang ng umaga.
Pababa pa lamang ako ng hagdan, ng may marinig akong, kumakalansing sa kusina.. mas binilisan ko ang pag hakbang upang matukoy ang taong narito.
Pagkarating ko sa bungad ng kusina ay agad kong nasilayan ang malapad na likod ni Sir Marco. Hawak nito ang sandok, at tila may piniprito. Kung ganun, hindi pala s'ya umuwi ng mansyon.
Pinatay na nito ang kalan at inilapag ang niluluto sa hapag-kainan.
Tumikhim ako dahilan para mapansin n'yang may tao. Umangat ang mukha nito at lumingon sa kinatatayuan ko.
"Good morning. Where's Nicka?"
"Natutulog pa po. Ipag-hahanda ko sana s'ya ng almusal-"
"It's okay. I have already cooked."
Aniya, habang naghahanda ng dalawang plato.
"Come, Sabayan mo na akong kumain."
Bahagyang napataas ang isang kilay ko nang ayain ako nito.
"Salamat po. Pero mamaya nalang, pagkagising ni Nicka,"
"Mamaya pa ang gising n'ya, kaya samahan mo akong kumain. Come here and Seat."
Nahihiya man, but I need to being a profesional. Kakain lang naman with my Boss. Pag kakataon ko na ito upang mas lalong makilala ang isang Marco Delmundo.
Tahimik s'yang kumakain. Samantalang ako, ay hindi mapakali ang mga mata na paulit-ulit itong pina-pasadahan.
"Mabubusog ka ba, sa kakati-tig?"
Tila uminit ang pisngi ko ng sabihin n'ya 'yun. Napansin n'ya ba? Masyado bang halata?
Mabilis ko itinuon ang atensyon sa plato ko ng may sunny side up at isang hotdog.
Rinig ko dito ang pag lagok n'ya ng tubig at pagkatapos inilapag ito sa mesa..
"Ikaw na ang bahala kay Nicka.. aalis ako ngayon, at hindi ko alam kung kelan ako makaka-balik."
Napahinto ako sa pag subo ng magbilin ito. Napa-angat ako ng mukha ng tumayo siya, ay siya ding nagtama ang mga mata namin.
"Don't worry. Safe kayo dito." ikling saad niya. umalis na siya sa harap ko, Kaya nagpakawala akong ng malalim ng hininga.
Ipagpapatuloy ko na sana ang pag subo ng muli itong magsalita,
"Siya nga pala. I need to get your number, Para mabilis kitang ma-kontact, at maka-musta si Nicka."
Mabilis ko itong hinarap. Lumapit ito para i-abot ang cellphone n'ya. kaya agad ko namang inabot ito at nag tipan ng numero, bago binalik sa kanya.
"Okay, I save this. Mag iingat kayo dito." wika niya. Tumalikod na ito at humakbang palayo. Napatitig nalang ako sa malapad nitong likod. Kahit naka talikod ito ay ang kisig parin tingnan.
Tuluyan na itong umalis. Napa-hilot ako sa sentido dahil maraming katanungan sa isip ko na wala akong makuhang sagot. 'Sino ka ba talaga Marco?'
Mabilis akong tumayo at muling bumalik sa kwarto ko. Natampal ko ang noo, nang maalala na wala pala akong dalang laptop, o cellphone na pwedeng mag research. Tama! Si Alfie. Kaylangan ko makuha ang loob n'ya. Kaylangan kong makakuha ng mas malalim na impormasyon tungkol kay Marco Delmundo.
"Ate Ella?!"
Marahan akong lumingon sa pinto, ng marinig ang boses ni Nicka..
Kaya pinag-buksan ko ito.
"Nicka.. gutom ka na ba?" masayang wika ko. Ngunit umiling lamang ito.
"Where's my Daddy?"
Lumuhod ako upang mag-pantay kaming Dalawa. Nginitian ko muna ito bago tumugon,
"May pinuntahan lang, h'wag kang mag-alala babalik din s'ya kaagad-"
"No!" nanlilisik ang mga mata nito at tila mangiyak.
"He will not be able to return immediately. He always told me that everytime he will leave me in this weird house! " halos pasigaw na turan nito. Mabilis siyang tumakbo patungo sa kwarto nya at sinara ang pinto ng pabagsak.
Napa-hugot ako ng malalim na hininga bago tumayo. Tila may kurot akong naramdaman para sa bata. Sino ba naman ang matutuwa, na palaging wala ang kanyang Ama, at tanging katulong lamang ang kasama.
Bumaling ako sa loob ng kwarto ko ng marinig ang pag tunog ng cellphone. Kaya agad ko itong kinuha na nasa ibabaw ng mesa. Napa-lunok ako ng makita ang screen. Si Daddy ang tumatawag. Mabilis ko itong sinagot.
"He_hello, Dad."
"Prepare for tonight! Dapat wala ka na sa loob ng bahay ng alas-Nuebe ng gabi."
Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ho?- teka! Hello?! Dad!"
Agad niyang pinatay ang linya. Halos di ko malunok ang laway sa lakas ng dagundong ng dib-dib ko.