Umalis ako ng Thailand, na may sama ng loob. Masakit man sa'kin na iwan muli si, Marcus, pero kinakaylangan kong damayan si, Xavier, sa ngayon. kung kelan sana na abot kamay ko na ang anak ko, dun pa mangyayaring panibagong problema. Wala na yatang katapusan ang lahat ng ito. Puro pagsubok na lamang ang pinagdadaanan ko. habang nasa himpapawid ako, ay hindi ko maiwasang isipin ang nangyari sa pagitan namin ni, Marco. Hindi ko nagustuhan ang inasta niya. Nakuha niya pa akong angkinin kahit na labag sa kalooban ko. Para bang kanya ang buong pagkatao ko at ni hindi ko magawang protektahan ang sarili, kapag nasa harapan ko na siya. Paulit-ulit niya akong sinasaktan. Bakit hindi niya ako maintindihan? Hindi niya parin ako mapatawad, kahit alam niyang biktima rin ako ni, Samaniego. Hindi ko