Chapter 8 Jella's POV

1652 Words
Mabilis pina-sibad ng taxi driver ang minamanehong taxi, Nang makababa ako. Tinanaw ko lamang ang pag-layo nito, bago nilingon ang malaking bahay kung saan ako lumaki. Nakaramdam ako nang pagka-kaba kaya huminga ako ng malalim bago hinakbang ang mga paa patungo sa loob ng bahay. "Senyorita Jella?!" tila naka-kita ng multo ang isa sa mga tauhan namin, nang makita ako sa bungad ng malaking gate. Nag-mamadali siya upang pag-buksan ako. Nang makapasok ako, ay tila may sinusuri siya sa labas bago sinara ang gate. "Ang Daddy?" saad ko, matapos niya isara ang gate. Agad kong napansin ang mga nag kalat na tauhan sa bakuran ng bahay, kaya napa-kunot ang noo ko nang muling balingan ang lalaking nasa likuran ko. "Si Daddy nasaan?!" "Senyorita, w-wala sila-" di niya natapos ang sasabihin nang may biglang tumawag sa pangalan ko. "Senyorita, Jella!" Bahagya ko itong nilingon at hinintay ang sasabihin, ngunit tila napipi ito saglit nang sipatin ang kasamahan niya na nasa likuran ko. "Sige na, Von, bumalik kana sa pwesto mo," saad niya. Siya si Rocco, isa sa mga tauhan ni Daddy. Isa siya sa mga nag turo sakin noong nasa training pa ako. Tinungo namin ang veranda kung saan walang makaka-rinig sa pag-uusapan namin. "Roco, anong nangyayari? B-bakit pinapahanda ako ni Dad?!" "Senyorita, hindi mo ba alam? Tsaka bakit nandito ka? Di ba nasa mansyon ka ng mga Delmundo?" Tila natuod, ako, sa mga tanong niya. Labis na akong naguguluhan, at ito pa ang hindi ko maamin, ang totoong nangyayari sa pinapagawa sa'kin ni Dad. Inilihis ko ang mga tingin sa paligid at humahagilap ng maisasagot, "N-nasa lakad ako, inutusan nila ako, kaya hindi ko alam ang nangyayari ngayon." "Nilusob ng mga kasama natin ang Mansyon-" di niya natapos ang sasabihin, nang takang binalingan ko siya. "Nilusob?! Teka, kasama ba si Daddy?" "Hindi. Tumakas siya kasama ang Senyora at si Senyorita Jana. Kaya nagulat kami na nandito ka, na dapat kasama ka nilang tumakas patungong Malaysia." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "Malaysia?" Tumango-tango lamang siya bago muling nag-salita, "Kaya dapat, umalis kana dito at ano mang oras ay lulusubin din itong Mansyon niyo. "Paano ang mga kasambahay?" nag-aalalang sambit ko. "Wag kang mag-alala. Darating na ang sundo nila patungo sa ligtas na lugar." Huminga ako ng malalim, tsaka siya tiningnan sa mga mata, "Kaylangan ko ng sasakyan." "Gamitin mo ang kotse ko, nasa likod at do'n ka na rin dumaan dahil delikado dito sa harap." inabot niya sakin ang susi at agad kong kinuha. Ilang sandali pa, ay tinungo ko na ang sasakyan at pinasibad ito. Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko ngayon. Anong Gagawin ko? "Argh!" Naihampas ko ang manibela dahil nalilito na ako. Ano pa ba ang gagawin ko, kundi bumalik sa Laguna, at ipag-papatuloy ko kung anong nasimulan. ●●●●●●● "Mabuti at bumalik ka!" bungad sakin ni Alfie, nang makita niya akong pa-akyat ng hagdan. kaya huminto ako, at hinarap siya. Tila may kung anong tambol sa dib-dib ko ng tingnan niya ako sa mga mata. Sana hindi niya mapansin ang suot ko. "A-alfie" utal na bati ko. Nag-salubong ang kilay niya, at at paisa-isang humakbang papalapit sa hagdan, "Pasalamat ka, at wala pa si Boss!" Huminga ako ng bahagya at taas noo ko siyang sinagot, "Sabi ko, naman sayo, babalik din ako kaagad-" "Pwes! Sa susunod, hindi kana makakadaan sa butas na 'yon! Alam mo bang hindi lang buhay mo ang inilagay mo sa kapahamakan? Pati ako Ella! Pati ako madadamay!" "Pero Alfie-" hindi ko natapos ang sasabihin nang agad niya akong tinalikuran. Pero agad din siyang huminto "Nice outfit!" pinasadahan niya ako mula ulo hangang paa, at ngumisi ito ng nakakaloko, "Nag-mumuka kang asasin!" Tila nanlamig ako sa inasta niya, at kakaibang pananalita. Pero pilit kong kinalma ang sarili upang hindi ako mapag-halataan na kinakabahan. Umakyat na ako matapos ang pag uusap namin ni Alfie. Unang hinanap ng mga mata ko ang cellphone na naiwan ko kanina. Pero wala ito. Halos buklatin ko na lahat ng damitan ko sa loob ng aparador pero hindi ko ito mahagilap. Napasabunot ako sa naisip, na baka may nakakuha sa cellphone ko. Hindi pwede! Si Alfie! Baka siya ang nakakuha baka alam niya na?! Napatingin ako sa pinto at tila hinahabol ko ang hininga. Baka ito na yung sinasabi niya kanina na hindi na ako makakalabas sa bahay ma ito. "Ang tanga! mo Jella! Ang laking tanga mo!" kastigo ko sa sarili. Hindi maaari, anong gagawin ko?! Tiningnan ko ang palapulsuhan, at nakita kong, mag-aalas dos na ng madaling araw, Pero aligaga parin ako. Naka ilang hakbang na ako at pabalik-balik patungo sa pinto. Nais ko itong buksan at tunguin si Alfie, pero hindi ko magawa. Napa-upo ako sa kama at masinsinang pinag-iisipan ang gagawin. Kahit kakausapin ko ngayon si Alfie, malamang mauuwi lang sa bangayan. Bukas ko nalang gawin ang pina plano. Pabagsak akong humiga sa kama at malakas na buntong hininga ang ginawa ko. Mukhang mahihirapan ako ngayon sa mga plano. Ano kaya ang nangyari at bakit pinalusob ni dad ang mansyon ng mga Delmundo? Bulilyaso nanaman kaya ang mga transaction? Puno ng pagkalito ang isip ko ngayon. Ang alam kong kalaban ni dad, ay si Gob. Delmundo. Pero si Marco? Isa din siyang mafia, may kinalaman ba siya sa mga nangyayari? Aalamin ko ang bagay na iyon. Dapat mapalapit ako sa kanya, ng sa gano'n ay hindi na ako mapapaisip at matukoy ang bawat hinala. Kinabukasan ay maaga akong tumungo sa kunsina. Kumikilos ng normal. Naghanda ako ng almusal para kay Nicka at pati na rin kay Alfie. Kaylangan kong makitungo ng maauos sa kanya, upang mabawi ang cellphone. Siya lang naman ang kukuha no'n dahil siya lang ang pwedeng pumasok sa itaas. "Mabuti naman at maaga kang nakapag luto." bungad niya sakin habang nakatalikod ako at may pinipritong hotdog. Nakasanayan ko ng hindi agad nabibigla o nagugulat, kasama 'yon sa training na ginawa ko. Kaya kumilos ako na parang walang narinig. Pinatay ko na ang kalan matapos maprito ang niluluto. Hinain ko ito sa mesa ng hindi siya tinitingnan. "Pakainin mo si Nicka, bago dumating ang ibang mga tauhan. Ang iba kasi nasa under ground na at ginagamot." Napa-angat ako ng mukha at tiningnan siya, pero hindi ko agad naibuka ang bibig dahil agad siyang nag salita, "Bakit parang gulat ka? Hindi mo ba alam?" "A-ang alin?" utal na sagot ko. Paisang isang hakbang ang ginawa niya patungo sakin habang binubuga ang usok ng sigarilyo. "Are you sure hindi mo alam?" "Mag tatanong ba ako kung alam ko?" pilosopong usal ko. Napangisi siya, bago huminto sa tapat ko. "You looked pale, Jella. Ang cute pala ng pangalan mo no?" Bahagyang nag salubong ang kilay ko at ramdam ko ang kalabog sa dib-dib ko nang bigkasin niya ang pangalan ko. Ngunit hindi ko inalis ang mga tingin sa mga mata niya, at nanatiling tikom ang bibig ko. "Naka usap ko pala ang MOMMY, mo. She's crying while she call your name. why?? Hindi mo ba sila naabutan? Kaya bumalik ka dito?!" "A-anong pinagaasabi mo?!" "This is yours, right? " napatitig ako sa cellphone na itinaas niya. "Hindi, hindi sakin yan. N-napulot ko lamang 'yan noong bago ako namasukan sa mga magulang ni Sir Marco." "Oh?! Really?" "Alfie, wala akong dapat ipaliwanag sayo. Kung ayaw mong maniwala e di wag!" "Talaga?! Sige tatawagan ko ulit ang Mommy mo." Mabilis siyang nag dial. Tila kung may anong nag kakarera sa dibdib ko. Nais kong agawin sa kanya ang cellphone na hawak ng may nag salita sa kabilang linya, "The number you've dialed is out of coverage area," muli niya pa itong dinial, ngunit ganun parin ang sagot sa kabilang linya. "Alam mo, nag-sasayang ka lang ng oras, Alfie-" "Siguro nga. Pero sa susunod, this is will be worth it. Dahil walang amoy ang hindi sumisingaw." tila naurong ang dila ko sa sinabi niya. Mataman niya akong tinitigan sa mga mata bago umalis sa harapan ko. Mukhang mahihirapan akong kumilos ngayon dahil may pusa akong dapat bantayan. Alam kong maman-manan na niya ako sa bawat galaw ko ngayon. Pero tingnan natin, Alfie, kung mahuhuli mo ako. ****** Babalik na sana ako sa kwarto nang marinig ko, ang ingay na nag mula sa TV na ngayon ay pinapanood ni Alfie, at ang isang kasama nitong may nakasukbit pang armas sa balikat. Huminto ako at matamang pinapakingan ang news caster. "Pinasabugan ang Mansyon ng mga Delmundo ng mga hindi pa nakikilalang mga tao. Nakapanayam naman ng news team, ang nag iisang anak ng mga Delmundo, na si Marco Delmundo. Aniya, nasa ligtas na lugar na ang kaniyang mga magulang at iilang mga tauhan. Dag-dag pa niya, ay iisang tao lamang ang pwedeng gumawa nito sa kanila, ngunit wala siyang binagit na pangalan." Hindi ko na tinapos ma pinakingan ang binabalita sa TV at mabilis kong nilisan ang sala. Halos takbuhin ko paakyat ang ikalawang palapag ng bahay. Halos habulin ko ang hininga nang marating ko ang loob ng kwarto. Maingat kong ni-lock ang pinto at dito ko pinakawalan ang mabigat na hangin na mula sa dib-dib ko. "What should I do now?! Hindi ako pwedeng tumunga-nga na lamang dito, pero anong gagawin ko?" Daig ko pa ang hibabol sa daan dahil sa paghangos ko sa pabalik-balik na lakad dito sa loob ng silid. Mukhang mali ang pag balik ko dito. "Ate, Ella?" gulat kong nilingon ang pinto nang marinig ko si Nicka. Inayos ko muna ang sarili bago hinakbamg ang mga paa patungo sa pinto. Bumuntong hininga muna ako bago ko ito binuksan. "Nicka-" tila lumuwa ang mga mata ko nang makita ang kasama niya. "S-sir Marco." utal na bigkas ko, habang nakatitig sa mga mata niya. Pakiramdam ko, nawala na ang dugo sa katawan ko nang maramdaman ang panlalamig sa sistema. "Prepare your things, aalis tayo," agad niyang inabot ang kamay ni Nicka at umalis sila sa harap ko. Pero teka? Saan naman kami pupunta?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD