Gago siya! Ngayon niyang sasabihin sakin na mahal niya ako, dahil alam na niyang ikakasal ako kay Xavier? Hindi na ako naniniwala sa kanya. "Umiiyak ka ba?" Ani ni Xavier. Hindi ko siya nilingon at mabilis kong pinunasan ang mga luha, na nag uunahan sa pag-landas. "No." tipid kong sagot nang humarap ako sa kanya. Ngumiti ako bago muling nag-salita. "Kumain kana ba?" Tumango lamang siya. Hinakbang niya ang mga paa upang mas malapitan ako. Hinaplos niya ang mukha ko at pinagapang ang daliri patungo sa gilid ng mata ko. Naramdaman ko ang pag punas niya sa natitirang luha do'n. "Eyes can't denied that you are in pain. Pwede mong ikwento sa'kin kung ano ang nilalaman niyan," turo niya sa parte ng puso ko. Pinipigilan ko ang maluha sa harap niya, dahil ayokong makita niya na nasasaktan