Tila malaglag ang panga ni, Salvador, sa narinig mula sa dating kasintahan. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Leticia, na anak nila si Jella. "Kung ginagawa mo lang ito upang pagtakpan ang mga kamalian ng pamilya mo, pwes! Hindi mo ako mapapaniwala, Leticia!" galit na sabi ni, Salvador. Umiigting ang mga panga ni, Leticia, dahil sa hindi ito naniniwala sa mga sunasabi niya. "Kung sabagay, hindi mo nga inaamin na ikaw ang pumatay sa Papa, ko! Ang paniwalaan pa kaya na may anak ka sa'kin?!" Biglang naging maamo ang mukha at naningkit ang mga mata ni, Salvador, sa narinig, "Babalik nanaman ba tayo sa nakaraan?-" "Oo! Dahil hangang ngayon kinamumuhian parin kita dahil sa pagpatay mo sa Papa. Nagsisi ako na ikaw ang minahal ko, na isang mamatay tao!" umiiyak na saad ni Leticia. "Yan p