Nang dumating siya sa bahay ay wala pa ang kotse ni Nick. Nasaan na kaya ang lalaki? Nag-date kaya sila ni Margaret? Habang hinintay ang pagdating ng lalaki ay hindi siya mapakali sa loob ng kanyang silid. Malakas ang pagbuntonghininga ni Meghan habang nakatitig sa wallclock at nang marinig niya ang tunog ng sasakyan ni Nick, kaagad siyang bumangon at inayos ang sarili. She calculated the time and went outside to confront him! Mabilis ang mga hakbang ni Meghan habang papunta sa silid ni Nick. She knocked like there was an emergency somewhere and it took him longer than usual to open the f*****g door! Nakakunot ang noo ni Nick habang pinagbuksan si Meghan ng pintuan. "Are you crazy? It's twelve midnight for goodness sake, Meghan!" Tumaas ng bahagya ang boses ni Nick. Hating-gabi na pal